Alam mo, Salve A., naging fun-filled with good memories ang aking dalawang linggong bakasyon sa Anaheim, California, USA kasama ang veteran entertainment journalist na si Tito Ronald Constantino.
Stayed at the house of my relative, ang businessman and concert producer na si Alfonso `Tito Al’ Chu in Anahaeim, California.
Nung nakaraang March 24 (Saturday) ng gabi, isang welcome get-together garden dinner ang binuo ni Tito Al na ginanap mismo sa kanyang tahanan in Anaheim na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan and celebrities na naka-base na ngayon sa iba’t ibang bahagi ng California. Dumating sa nasabing pagtitipon ang dating Viva sexy star na si Anjanette Abayari na karay-karay ang dalawa niyang anak na sina Aiden at Ashton at isang pamangkin. Dumating din sa nasabing okasyon ang dating Vicor recording artist na si Lew Soratorio kasama ang kanyang wife, ang dating aktres na si Amalia Braza. Sa Oxnard, California sila naka-base with their children and grandchildren. Isang buong pamilyang dumating ang dati kong alagang si Tootsie Guevarra kasama ang kanyang Italian husband na si Mike Monaco and her two children na sina Ethan (11) at Matthew (4) and her mom na si Mommy Tess. Sa Tustin, California naka-base ang mag-anak. Dumating din ang actor na si Edgar Mande kasama ang tatlo niyang kaibigan. Naroon din ang mag-asawang Louie Reyes at Cesar de la Fuente, dalawa sa mga original members ng The New Minstrels at nanggaling pa sila ng Glendade kung saan sila naka-base, ganundin ang L.A. based US Immigration lawyer na si Atty. Jemela Nettles. Big surprise naman sa amin ang pagdating ng dating sexy star at ina ng actor at mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez na si Stella Suarez (based in San Diego) kasama ang dalawa nitong matatangkad at mga guwapong apo. Kasamang dumating ni Stella and her two grandsons ang dating entertainment editor ng Abante na si Roger Parajes (na naka-base na rin sa San Diego, California) kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Nishi Ignacio who drove for them from San Diego at Anaheim. It was my first time to meet Stella in person. Kahit may edad na ay bakas pa rin ang ganda nito at napaka-warm niya sa amin as if matagal na kaming magkakilala.
Hindi man nakadalo sa nasabing pagtitipon sina Djhoanna `Gigi’ Garcia-Kocher, dapat sana’y magkikita kami sa ibang araw kasama sina Lirio Vital at Malu Bendigo pero hindi ito natuloy dahil tinamaan siya ng flu at kinailangan namang bumalik ng Texas si Lirio kung ito naka-base kasama ang kanyang pamilya.
Hindi rin nakarating si Ramona Revilla with her American husband na si Freddie Farrell kasama ang kanilang triplet daughters dahil naghanda ito sa kanilang vacation trip sa Maynila. Si Ramona at ang kanyang pamilya ay naka-base sa San Diego.
Nung Black Saturday and Easter Sunday naman ay dalawang araw naming kasama ang Anaheim-based relative na si Dr. Alvin Cadalin who treated us to a sumptuous lunch sa favorite Chinese restaurant ni Sen. Manny Pacquiao sa Los Angeles, California, ang Mayflower Restaurant na matatagpuan sa may Chinatown ng L.A. Dinala rin niya kami sa Abroretum and Botanic Garden (also in L.A.) kung saan nag-enjoy nang husto si Tito Ronald dahil nakasakay kami sa tram habang nilibot namin ang napakalawak na botanical garden. He also treated us sa Souplantation buffet at Vietnamese ramen both in Anaheim. Halos tatlong dekada kaming hindi nagkita ni Alvin. Magkasama rin naming dinalaw ang kanyang 95-year old mother na si Tita Biday Dulfo-Cadalin na nasa isang magandang nursing home in L.A.
Nang mabalitaan ng PR specialist ng TV-5 na si Peachy Guioguio na kami ay nasa Anaheim, sinundo niya kami kasama ang kanyang best friend na si Marie Ramos and we headed for Portos, isang kilalang bakeshop and coffee house in Buena Park. Sa Portos na kami nagkita-kita ng L.A. based nephew ni Ricky Lo (ng Philippine Star) na si Raymond Lo.
Hindi man planado at inaasahan ang aming short get-together nina Peachy, Tito Ronald and company ay sobra kaming na-excite.
Hindi rin nagpahuli ang aming long-time friend na naka-base na ngayon sa West Covina, ang dating choreographer-dancer na si Chato Sugay and her doctor husband na si Cesar Jimenez who took us to McCormick & Schmick’s Grille sa Garden Walk ng Anaheim ganundin ang isa ko pang anak-anakan in L.A. na si Eugene Supnet.