Kung anu-ano na ang pinagsasabi
Maraming katrabaho ang isang female singer na gustong magbigay ng tulong para siya maipa-check-up sa isang espesyalista. Kailangan na raw kasi ng professional help ng babaeng performer.
Nagbabagu-bago kasi ang kanyang ugali. Minsang masaya siya, minsan namang parang pasan niya ang daigdig sa sobrang kalungkutan, walang pinipiling panahon ‘yun.
?Kuwento ng isang source, “Kahit nasa stage siya, maraming nakakapansin na kung anu-ano na lang ang mga pinagsasasabi niya. Minsan, ginagawa niyang church ang stage, puro mga quotations sa Bible ang mga sinasabi niya.
?“Minsan naman, e, nangangaral siya na parang pastor, kaya ang ibang nanonood sa kanya, e, parang windang na windang. Nakakaloka siya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.
?Minsan nang may nagsabi sa kanya na kung hindi na niya kinakaya ang pinoproblema niya ay kailangan na siyang magpunta sa isang doktor, para mapagpayuhan siya. Pero sa halip na magpasalamat ay nagalit pa ang female singer sa nagmalasakit sa kanya.
?“Naku, galit na galit siya sa friend niyang concerned lang naman sa kanya! Minumura niya, bakit daw siya pinakikialaman, bakit hindi raw asikasuhin ng kaibigan niya ang mga problema nila sa pamilya!
?“Ayaw niyang magpunta sa doktor, hindi raw nasisira ang ulo niya, kayang-kaya raw niya ang pagsubok na lumiligalig sa buhay niya ngayon!” impormasyon pa ng aming source.
?Hindi na kasi alam ng female singer kung ano ang gagawin niya para maparusahan ang isang taong sinasabi niyang niloko na nga siya, e, binaboy pa ang anak niyang girl. Nagtatago na raw kasi ang lalaki, hinahanap niya, pero walang makapagsabi sa kanya kung nasaan.
?“Pati ang mga friends ng lalaki, e, ginugulo niya, inaaway niya hanggang sa social media, itinatago raw kasi nila ang lalaking dapat bitayin dahil sa kasalanang ginawa sa anak niya.
?“May mga naaawa sa kanya, depression na kasi ang umaatake sa female singer, pero maraming nagdududa dahil paiba-iba naman ang mga kuwento niya!
?“Sayang, pagpapatawa pa naman ang linya niya, pero nagiging horror na ang dating ng mga pinaggagagawa niya. Kailangan na talaga niya ng professional help, kailangan na niyang gawin ‘yun,” pagtatapos ng aming source.
Movie nina James at Nadine ayaw tantanan ng mga papuri
Hindi na namin kailangan pang magsakripisyo sa traffic para lang mapanood ang pinakahuling pelikulang pinagtambalan nina James Reid at Nadine Lustre. Sa mga kuwento pa lang ng mga kaibigan naming nakapanood sa Never Not Love You ay parang nasaksihan na rin namin ang galing sa pag-arte ng JaDine.
?Bukod sa magagandang reviews na lumalabas sa mga pahayagan ay nakakakuwentuhan din namin ang maraming nanood ng pelikula. Mismong si Lourd de Veyra, isang magaling na manunulat at musikero, ang nagbigay sa amin ng impormasyon na maganda ang pelikula.
?“Matapang ang JaDine! Maayos din ang pagkakasulat ni Tonette Jadaone ng script. Hindi pang-insulto sa manonood ang kabuuan ng movie. Malayo ang mararating ng loveteam na ito!” paghanga ni Lourd de Veyra kina James at Nadine.
?Isang magaling na nobelista rin ang nakausap namin tungkol sa pelikula, ayaw na lang nitong ipabanggit ang kanyang pangalan, nakakahiya raw kasi sa mga proyekto ng mga kaibigan nito na hindi nakatanggap ng papuri mula sa kanya.
?“Mula sa umpisa hanggang sa dulo, makapal ang material. Walang mga butas, na-maintain ng script ang umpisa hanggang sa dulo ng mga eksena. Magaling ang writer.
?“At nagulat ako kina James at Nadine. Ang akala ko kasi, e, mga kabataan ito na ang alam lang, e, ang magpa-tweetums, ang magpakilig sa mga fans nila, pero hindi pala.
?“Puwede na silang isabak sa mga mas seryoso pang roles. Magaling si James, may emotion placement siya, at mas magaling ang babae! Magaling si Nadine, malalim, matapang!” pagbibigay-papuri ng kaibigan naming nobelista.
?Ano kaya ang masasabi ngayon ng direktorang madaldal na nagtangkang ibagsak ang JaDine? Makahirit pa kaya ito ngayon?