May mga nagtatanong kung si Ryza Cenon ba ang napapabalita na Kapuso actress na mag-o-ober da bakod sa ABS-CBN?
Hindi ko alam ang tumpak na kasagutan pero noon ko pa narinig ang tsismis na lilipat siya sa Kapamilya Network bago pa man natapos ang airing ng Ika-6 Na Utos.
Hindi na shocking news ang napapabalita na paglipat ni Ryza dahil hindi na nga siya talent ng GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA 7.
Nang pumirma siya ng contract sa Viva Artists Agency, nagkaroon agad ng mga hinala na puwedeng mag-babu si Ryza sa GMA 7.
Rigodon ng mga artista normal na lang!
Hindi naman si Ryza ang unang artista ng Kapuso Network na nag-ober da bakod, nauna nang lumipat sina Enzo Pineda, Louise delos Reyes, Yassi Pressman, JC de Vera, Jake Cuenca, Paulo Avelino, Cristine Reyes, Richard Gutierrez at Angel Locsin.
Mga dating Kapuso star din sina Ogie Alcasid, Anne Curtis, Vina Morales, Rufa Mae Quinto, Martin Nievera, Karen Davila, Bernadette Sembrano, Boy Abunda, Kris Aquino at marami pang iba.
Kung may mga Kapuso actor na lumipat sa ABS CBN, may mga Kapamilya star din na nag-ober da bakod sa GMA 7, sina Tom Rodriguez, Jason Abalos, Mat Evans, Atom Araullo, Ivan Dorschner, Martin del Rosario, Camille Prats, Rafael Rosell, Dennis Trillo, Heart Evangelista, Jason Francisco, AiAi delas Alas at maging si Mel Tiangco.
May mga artista na hindi pa big star nang mapanood noon sa mga show ng GMA 7 pero naging superstar nang maging contract stars ng ABS-CBN, kahit tanungin n’yo pa sina Coco Martin at Piolo Pascual.
Dating napapanood si Coco sa Daisy Siyete at former mainstay ng That’s Entertainment si Piolo.
I’m sure, may mga rigodon pa na mangyayari sa mga susunod na araw dahil normal na nangyayari ito sa entertainment industry sa buong mundo.
Alfred naging favorite bebe na kesa congressman
Ramdam ni Alfred Vargas ang popularity ng Kambal, Karibal dahil kapag lumalabas siya, “Bebe ko” at hindi na congressman ang tawag sa kanya ng mga tao na nakakasalamuha niya.
Allan ang pangalan ni Alfred sa top rating primetime teleserye ng GMA 7 pero mas nagmarka sa mga tao ang “Bebe ko” na term of endearment sa kanya ng karakter na ginagampanan ni Jean Garcia.
Extended hanggang sa susunod na buwan ang Kambal, Karibal dahil sa mataas na ratings nito kaya maraming twist pa ang mangyayari sa kuwento ng hit teleserye ng Kapuso Network.
Gerald bina-bash sa pagpapadala ng datung sa ina
Very harmless ang social media post ni Gerald Anderson tungkol sa pera na ipadadala niya sa kanyang nanay pero binigyan ito ng malisya ng detractors ng aktor.
Sa totoo lang, nakakabilib ang mga katulad ni Gerald na very responsible at mabait na anak.
I’m sure, kusang-loob ang pagbibigay niya ng monthly allowance sa kanyang ina at walang masama sa ginagawa ni Gerald na pagbabahagi ng blessings, lalo pa at nanay niya ‘yon.
Ang pagiging mabuti at responsible na anak ni Gerald ang dahilan kaya good karma siya. Never na nawawalan ng mga television at movie assignment ang aktor na naging favorite ko nang maka-partner siya ni Sarah Geronimo sa dalawang pelikula.
Siguro, sa susunod, huwag nang i-share ni Gerald ang mga private conversation nila ng nanay niya para hindi na siya intrigahin. May mga tao kasi na walang sense of humor at talagang maghahanap ng butas para siraan ang kapwa. Baka inggit kay Gerald ang mga ganoong klase ng tao dahil maramot sila at hindi generous sa pagbibigay ng tulong sa pamilya nila.