Jessy bakat ang katawan kahit nurse na!
Time na bumalik na muli si JC Santos sa pagganap ng roles sa isang love story. Welcome sa mga manoood ang pagbabalik tambalan nila Bela Padilla. Ayaw ng manonood na maging kontrabida siya na tulad ng ginagampanan niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Galit na galit ang mga manonood sa kanila ni Yassi Pressman na nakakabuti naman sa role na ginagampanan ni Jessy Mendiola na lumalabas bilang saviour ni Cardo, ang character ni Coco Martin. In all fairness to Jessy, naitatawid niya ang role niya sa kabila ng marami siyang kasamahang mga bagong character sa istorya na ginagampanan ng mga malalaki at magagaling na artista.
Bagay ang role niya sa kanya, at kahit naka-nurse uniform siya, lumalabas pa rin ang kaseksihan niya, kahit katabi niya ang mga nagseseksihang Viva Hot Babes.
Jake susubukan sa mas matangkad!
Mukhang hindi lamang si Jeric Gonzales ang magkakaroon ng problema sa susubukang romansa ng GMA kina Jake Vargas at Kyline Alcantara sa seryeng Kambal Karibal, pati na rin si Inah de Belen na unang ka-loveteam ni Jake ay malalagay sa alanganin na baka naman hindi na sila muling magkatambal na dalawa kapag tinanggap ang Jake/Kyline team up. Pero, magandang eksperimento ang ginagawa ng Kapuso network na pagri-rigodon ng kanilang mga artist. Kaya lang, mukhang magkakaproblema si Jake sa bago niyang kapareha dahil taller ito sa kanya.
John Lloyd inaantay na lang manganak si Ellen bago balikan ang career?!
Baka kapag isinilang na ang baby nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ay magkakaroon na ng hugis ang takbo ng showbiz career ng aktor, kung babalikan pa niya ang pag-aartista niya o mananatili na lamang siyang isang ordinaryong tao.
Ang ibibigay na problema ng panganganak ni Ellen sa kanyang kapareha ang dahilan marahil ng pananahimik nila hindi lamang sa social media kundi maging sa kanilang personal na buhay pero, patuloy pa naman ang pag-ere ng mga TVC ni JLC.
Wala rin namang nakikitang mga poblemang legal na kinakaharap ang aktor tungkol dito. Kung totoong nagsoli man ito ng mga unang bayad sa kanya ng ABS-CBN para sa mga trabaho na hindi pa niya nagagawa, ganito rin kaya ang mangyayari sa endorsements niya? Tsk. Tsk. Tsk.
KZ katakut-takot na lait ang nararanasan nang maging talunan
Porke hindi nakapasok si KZ Tandingan sa grand finals ng Singer 2018 ay kung anu-ano na ang sinasabi sa kanya. Para tuloy nakalimutan na ng lahat ang ipinamalas nitong kagalingan sa sikat na singing competition. Ngayon, sinasabi pang boring siya sa kanyang huling pagsalang.
Marahil daw kapag isang kanta na alam ng lahat ang kinanta niya ay baka napasama pa siya sa grand finals. No doubt ang kagalingan ni KZ bilang isang singer, hindi lang siya sinuwerte. Pero, palakpakan niyo siya, she made the Filipinos proud with her performance.
- Latest