Ryan Ryan Musikahan kinilala ng Gandingan Awards
MANILA, Philippines — Kinilala bilang Most Development-Oriented Musical Program sa naganap na Gandingan Awards 2018 ang Para Sa Bayan: A Ryan Ryan Musikahan Special, isang produksyon mula sa Jeepney TV tampok ang musical performances na naglalayong buhayin ang pagkamakabayan ng mga manonood.
“Isang karangalan ng Jeepney TV na ipagdiwang ang legacy ng isa sa hindi makakalimutang programa sa telebisyon, kasama ang aming Ryan Ryan Musikahan specials na binibigyang pagkilala ng iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Gandingan Awards,” pagbabahagi ni Cindy de Leon, ang Jeepney TV channel head at overall-in-charge sa produksyon ng programa. “Natutuwa kami na umabot na ang halaga ng programa sa mga bago at mas batang henerasyon ng mga manonood.”
Nagmula sa direksyon ni Johnny Manahan ang espesyal na musicale kasama si Maestro Ryan Cayabyab bilang host at ang guest performers na sina John Arcilla, Bituin Escalante, Morisette Amon, at Darren Espanto.
Kabilang din rito sina Ebe Dancel, LJ Manzano Te, ang Ryan Cayabyan Singers, at si Juan Miguel Severo. Dito nagkaroon ng pagbabahagi ng mga kwentong makabayan at natatanging Filipino values.
Bukod sa Para sa Bayan: A Ryan Ryan Musikahan Special, may tatlo pang iprinodyus na specials ang Jeepney TV: ang Ryan Ryan Musikahan Home For Christmas na binigyan ng Special Citation for Best TV Special sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) 2015; ang CMMA 2016 finalist na Ryan Ryan Musikahan Piyano at Gitara; at ang Gandingan 2017 at CMMA 2016 finalist na Ryan Ryan Musikahan Christmas from the Heart.
Unang ipinalabas ang Ryan Ryan Musikahan sa ABS-CBN mula taong 1988 hanggang 1995, tampok ang pinakamagagaling na performers sa pangunguna ni Maestro Ryan. Mas pinabongga naman ng Jeepney TV ang Ryan Ryan Musikahan Specials bilang two-hour concert na ginagawa sa harap ng live audience.
Sa paglalayon ng Jeepney TV na buhayin ang mga hindi makakalimutang eksena sa telebisyon, ipinapalabas ang Ryan Ryan Musikahan sa cable channel tuwing Sabado simula noong 2012. Sa bago nitong tahanan, napukaw ng programa ang atensyon ng mga manonood mula sa bagong henerasyon habang muli itong ikinagigiliw ng mga datihan nang manonood.
Handog ng UP Community Broadcasters’ Society, Inc. ang Gandingan 2018: The 12th UPLB Isko’t Iska’s Multi-Media Awards na ginanap kamakailan sa University of the Philippines Los Baños sa Laguna.
Abangan ang mga natatanging tugtog at awitin sa Ryan Ryan Musikahan sa Jeepney TV tuwing Sabado, 11:10pm.
3 stars, 1 heart, sa Dagupan naman ang punta
Matapos ang successful first leg nito sa Cebu, dadalhin naman ng GMA Entertainment Content Group (ECG) at GMA Regional TV (GMA RTV) ang concert series na 3 Stars, 1 Heart sa Dagupan, Pangasinan.
Tampok ang powerhouse trio nina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, ang 3 Stars, 1 Heart ay gaganapin sa CSI Stadia, Dagupan City ngayong April 14.
Tiyak na pasasayahin nina Christian, Julie Anne, at Regine ang mga manunuod sa kanilang powerful performances.
Bibigyan ni Regine ang mga Kapusong Pangasinense at iba pang concert-goers ng isang espesyal na musical treat na tanging ang Asia’s Songbird lang ang makakagawa.
Ano man ang edad ay tiyak namang makaka-relate at mapapasabay sa pagkanta ni Christian ng sikat na love songs.
Patutunayan naman ni Julie Anne na isa siya sa sought-after musical artists sa bansa sa pamamagitan ng kanyang powerful song and dance renditions.
“Our first leg in Cebu was a huge success. This is why we are excited to bring ‘3 Stars, 1 Heart’ to the rest of the country,” pagbabahagi ni GMA Vice President for Business Development Department III Darling de Jesus Bodegon. “Our partnership with Regional TV aims to reach more people in the regions through live concerts. We are honored that we have Regine, Christian, and Julie Anne together in one big concert. This is our treat to our loyal Kapuso viewers all over the country,” dagdag niya.
“The 2nd leg of the 3 Stars, 1 Heart concert brings us nothing but immense pride,” ayon kay GMA RTV Vice President and Head Oliver Amoroso. “It’s been all worth the effort, most especially with the public reception we experienced at the first leg in Cebu. Expect a concert that features voices, genres and signature songs of Regine, Christian and Julie Anne in sync and in harmony with each other. This is why we are bringing ‘3 Stars, 1 Heart’ closer to our Kapuso viewers, this time around in Dagupan City. What better way to celebrate this year’s Bangus Festival than to have three of Asia’s most-sought performers in one show. Those who will watch the concert will have a great time, no doubt.”
- Latest