Jontie Martinez nasungkit ang Ms. Telegenic award sa Timeless

MANILA, Philippines — Iba ang ningning sa mga mata ng napakaganda, napakabait, at napaka-talented na beauty queen turned top fashion designer  na si Ms. Jontie Martinez sapagkat nasungkit nito ang prestihiyosong Ms. Telegenic award at pati na rin ang Ms. Friendship award nung siya ay sumali sa katatapos lamang na Timeless Beauty Pa­geant na ginanap kamakailan sa Taytay, Rizal.

Halos 40 iconic gay and transgender beauty queens mula sa dekada 80 at dekada 90 ang pinataob ni Jontie sa titulong Ms. Telegenic at Ms. Friendship na talaga namang labis niyang ikinagulat.

“Hindi ko talaga ineexpect na mapapanalunan ko ang mga awards na ‘yun,” sabi ng magandang fashion designer. “Nagpapasalamat ako sa mga bumubuo ng Timeless sa very, very fair at objective na turn out ng pageant.”

Isa si Jontie sa mga matitinik at mahuhusay na kontesera nuong dekada 80 at tuloy tuloy ang kanyang pag-arriba sa entablado hanggang dekada 90 bilang isa sa mga pinakatinitingalang beauty queens ng gay and transgender pageant circuit.

Matapos ang halos dalawang dekada ng pamamayagpag bilang beauty queen, nag-transition si Jontie bilang isang fashion designer. Ilan sa kanyang mga dinamitan ay ang Superstar na si Nora Aunor, Anne Curtis, at ang Powerhouse Diva na si Dessa. 

Ngayong darating na Abril 6 (8:00 p.m.), isa sa mga tampok na fashion designers si Ms. Jontie sa Marawing Salamat — The Best Of Opera & Fashion For Marawi na magaganap sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center Of The Philippines. Ang proyektong ito ay para sa Duyog Marawi.

Irarampa ng kapwa beauty queen ni Ms. Jontie na Ms. Tourism Queen International grand winner na si Justine Gabionza ang kanyang pabolosong creation. 

Samantala, bagamat talaga namang napaka-telegenic ni Ms. Jontie, mas naka-focus siya nga­yon sa pagdidisenyo ng damit sa ilalim ng House Of Galatea na kanyang pinapatakbo kasama ang equally gorgeous sister niyang si Ms. Nickky Martinez.

Show comments