Matapos gawin ang family drama na What Homes Feel Like, isang pelikula tungkol sa buhay ng isang male gymnast ang next film project ng award-winning newbie director na si Joseph Abello.
Ayon sa executive na si Shandii Bacolod, naghahanap na sila ng puwedeng magbida sa pelikula. Marami na raw silang nakausap na male gymnast pero wala pa silang napipili.
Pero may prospect na raw sila na dalawang artista na pwede sa role ng gymnast dahil may background ang mga ito sa gymnastics.
Hindi lang sila sigurado kung kakayanin ng artista ang isang mahirap na kailangan gawin ng lead actor.
Hindi pa raw nila nadedesisyunan kung sino sa dalawa ang magiging final choice nila.
First time sa Pilipinas na magkakaroon ng movie about a male gymnast. Interesting malaman kung ano ang buhay ng isang gymnast.
Produ ng pelikula nina Barbie at Derrick mahilig umekstra
First mainstream movie ng BG Productions International ang Almost a Love Story na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.
Pwedeng sabihin na ambitious ang project dahil sa Italy pa ito kinunan last December.
Ginastusan nang husto ng mga producer ang movie kung saan magkasama for the first time in a movie sina Derrick at Barbie.
To be fair to Ms. Baby F. Go, sa tagal niya bilang producer, never siya nakikialam sa artistic aspect ng pelikula.
Basta bigyan lang siya ng magandang finished product ay okey na sa producer na mahilig mag-extra sa mga movies na kanyang ginagawa.
Masaya na rin si Madame Baby kapag nagwawagi ng awards ang mga pelikulang gawa ng kanyang produksiyon. Ang mga awards na ito ay nagsisilbing inspirasyon para ipagpatuloy ng BG Productions ang paggawa ng pelikula.
Sana kumita sa box-office ang Almost a Love Story para maipagmalaki ng produksiyon na mayroon silang big hit na matatawag.