Sex Video ni Mark na pinagpipiyestahan ng mga bading, kinumpirma ng ex gf

PIK: Rated G ang ibi­nigay ng MTRCB sa pelikulang Almost A Love Story nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Natawa ang line producer na si Dennis Evangelista dahil ‘yung nag-review daw dati ng pelikula niyang Bomba na binigyan ng X rating, iyun din daw ang nag-review ng Almost A Love Story at puring-puri raw nila ito.

Sinasabi raw ng ilang taga-MTRCB na sana, mga ganung pelikula raw ang ginagawa ng mga film producer, wholesome, matino at magagaling daw ang bidang artista na sina Barbie at Derrick.

Proud naman ang BG Films International sa pelikulang ito dahil ito raw ang first mainstream movie na ginawa nila. Suportado pa sila ng taga-Salento, Italy na kung saan doon kinunan ang halos kabuuan ng pelikula.

Ipapa-review din nila ito sa Cinema Evaluation Board, bago sa showing nito sa April 11.

PAK: Ang sex video scandal ni Mark Herras ang paboritong paksa na pinag-uusapan ng mga kaba­dingan kahapon.

Mahigit pitong taon na yata itong pumutok pero mga litrato lang ang kuma­lat, at itinanggi na ito ng Kapuso actor.

Ngayon lang lumabas uli ang video na umabot ng eight minutes at seven seconds, at kamukhang-kamukha ni Mark ang nasa video.

Nagtiyagang panoorin ito ng mga bading dahil ang bongga naman kasi ang video na kung saan may ka-chat ang lalaki habang pinaparaos ang sarili.

Unang hiningan ng reaksyon ang manager niyang si Manay Lolit Solis na sinabing tatanungin pa raw niya ang alaga niya kung siya nga ba iyun.

Pero knowing daw Mark, malamang na kanya daw iyun dahil sa kapilyuhan nito.

“Ewan ko ba bakit big deal eh lahat naman ng boys ginagawa ‘yan!

“So what, basta nag-enjoy ang nanood, ok lang.

“Kung kahiya-hiya ang sandata, saka itago ‘di ba?” natatawang pahayag ni Manay Lolit.

As of presstime, hindi pa sinasagot ni Mark ang isyung ito. Pero nung unang sumabog ang balitang ito, isa sa mga girl na na-link sa kanya noon ang nagsabing parang ganun nga raw ang pag-aari meron si Mark. Mukha namang nag-enjoy si girl nang sinabi niya iyun.

Sa totoo lang, ‘di na ito makakaapekto kay Mark. Baka makatulong pa nga sa bagong drama series niyang The Cure.

BOOM: Pati ang mga kilalang chef ay naiisyu na rin kay Cesar Montano.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga kila­lang chef dahil sa ‘di pagkatuloy ng Madrid Fusion na taun-taon ginagawa rito sa Pilipinas.

Limang taon daw ang kontrata nito sa ating bansa sa ilalim ng Department of Tourism, pero ngayong taon ay ipinasa raw ni Sec. Wanda Teo kay Cesar na head ng Tourism Promotions Board, pero hindi na raw itutuloy dahil walang budget, no venue, no proper bidding for an event organizer.

Pero nilinaw ito ng kampo ni Cesar na walang legal authority ang head ng TPB (Tourism Promotions Board) para sa desisyunan iyun. Pero para maayos na rin, pinag-aaralan na rin ngayon ng tanggapan ni Cesar ang posibilidad na ituloy na rin dito sa atin ang Madrid Fusion na nasa pang-apat na taon na sana.

Show comments