“Pinatay” ng isang Facebook user ang Kapuso star na si Kyline Nicole Alcantara, isa sa mga bida ng Kambal Karibal.
Sabi sa post ng hater ni Kyline, “Kyline died @ 7:30 a.m. April 2, 2018, Tuesday. She died because of a car accident. Nagmamaneho siya ng mabunggo siya malapit sa fastfood chain sa Abad Santos St., Manila. Hindi po niya natapos ‘yung kabanata ng Kambal Karibal! We love you Kyline Alcantara. Rest in peace. Don’t forget to like my page.”
Siyempre umalma ang mga fans ni Kyline sa nasabing post. Hindi naman totoong naaksidente si Kyline at buhay na buhay ito. Nai-report na ng mga fans ni Kyline ang may-ari ng account.
Ginawa raw ito nung may-ari ng account para magpasikat.
Kasabihan ng mga matatanda na kapag ang isang tao ay naibalitang namatay, mas lalong hahaba ang buhay. Pero hindi naman tamang itsismis ang isang tao na patay para lang mapansin ‘yung nagtsismis.
Lovestory ng singer sa club at iskolar mapapanood na!
Napili na at nakatakda nang ipakilala ang cast ng Binondo: A Tsinoy Musical to be directed by Joel Lamangan. Ipapalabas ito sa The Theater at Solaire mula June 29 hanggang July 8.
Ang mga magsisiganap sa musical ay sina Sheila Martinez, Carla Laforteza, Arman Ferrer, David Eszra, Floyd Tena, Noel Rayos, Ima Castro, Rita Daniela, Yela Laurel, Lorenz Martinez, Franco Laurel, Tuesday Vargas, at James Pebanco.
Ang script ng Binondo: The Musical ay likha ni Ricky Lee, kasama sina Gershom Chua, at Eljay Deldoc.
Si Von de Guzman ang lumikha ng musika, gaya rin ng paglikha n’ya sa musika last year ng Maynila: The Musical (na si Lamangan din ang nagdirek sa entablado).
Ang kwento ng Binondo: The Musical ay tungkol sa pag-iibigan ng isang night club singer at isang iskolar na Tsino.
Tunay na ugali ni Robin noon pa nadiskubre ng direktor!
Masayang-masaya ang grupo ni Direk Julius Ruslin Alfonso sa recent posting ni Robin Padilla sa IG account ng bida sa morning serye na Sana Dalawa ang Puso.
“Buhay teleserye…Lahat ay gagawin ng mga taong ito maihatid lamang ang entertainment na ibig ng mga tagasunod ng kapamilya. Walang nagrereklamo, walang nagpapasikat ang lahat ay may bahid ng antok ngunit alam ang mga ginagawa at pag narinig na ng lahat ang “aksyon” ni direk Julius ang lahat ay nagbibigay pugay at galang sa kanya-kanyang papel.”
Sabi ni direk Julius, napakasarap katrabaho ni Robin. At sobrang saya ng JRA unit sa pagbibigay-pugay sa kanila ni Robin. “He is really a darling. Very appreciative sa group effort ng team. Ganun talaga siya ever since. He would always say thank you sa akin para sa magaganda at masasayang eksenang nakunan. Kung gaano kataas ang energy niya as Leo Tabayoyong, ganun din siya as himself on the set. Ang lakas maka-good vibes.”