^

PSN Showbiz

Nash inilayo na kay Alexa!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Nash inilayo na kay Alexa!
Alexa at Nash

Inamin ng maituturing na talagang the good son in real life na si Nash Aguas na masaya siya na muli niyang naipapamalas ang kanyang kahusayan bilang artista sa sinusubaybayang seryeng The Good Son. Masaya siya sa kabila ng hindi lamang siya ang inuulan ng papuri ng mga nanonood ng palabas dahil sa mahusay niyang performance kundi kasama rin ang tatlo niyang co-stars na sina Joshua Garcia, Jerome Ponce at McCoy de Leon. Napatutunayan niyang may kinahinatnan ang matagal at nauna  niyang pagiging artista sa tatlo pa niyang kasamahan. Kapareha pa rin niya sa serye ang na-established nang ka-loveteam niya na si Alexa Ilacad pero, tanggap niya kung totoo man ang mga balitang baka pagkatapos ng pagsasama nila sa serye ay mag-iba na ang landas na kanilang tatahakin.

“Ever since naman sa pagkanta naka-focus si Alexa. Baka kapag naghiwalay kami ay ito ang pagtuunan niya ng pansin,” anang batang artista. At bagaman at nananatiling friends ang parents niya para sa kanila ng kanyang kapatid, tinanggap na  niya ng maluwag ang desisyon nila na magkanya-kanya at inaasikaso na lamang ang pagiging big brother niya sa kanyang kapatid. Mukha namang umaayon sa kanya ang kapalaran. Bukod sa nagtatagumpay siya bilang artista, napasok na rin niya ang pagi­ging direktor. Mayro’n siyang proyekto na show sa online, ang Coffeebreak, na siya ang may konsepto at siya rin ang direktor. Mabilis din ang paglago ng kanyang kainang Muramen (na murang ramen daw ang ibig sabihin). Dalawa ang pag-aari niya mismo, isa sa university belt at isa pa sa Makati. Ang tatlo pa ay pawang mga franchises na nasa Dumaguete, Batangas at Carmona, Laguna.

Nagagawa na rin niyang makapag-direct ng mga insert para sa The Good Son. OJT siya sa serye at pinapayagan ng direktor na matuto siya sa kanyang trabaho. Tila sa larangan ng pag-ibig lamang may kulang sa kanya pero, wala siyang reklamo. Mas gusto niya ito para mabigyan ng time ang mga gusto pa niyang mangyari sa buhay niya.  Friends pa rin naman sila  ni Alexa, wala nga lang I love you-han na sinasabi sila sa isa’t isa. Kakai at Ahron gumigimik para sa kanilang pelikula?!

Nakakatuwang nagkasundo na pala at nagkabati na sina Kakai Bautista at Ahron Villena na nagsimula sa pag-amin ng Dental Diva na naging item sila na itinanggi naman ng huli. Gumagawa ng movie na magkasama ang dalawa, ang Harry Patty na nasa direksyon ni Julius Alfonso, direktor ng Deadma Walking.

Bagaman at hindi maamin ni Kakai na talagang nagbati na sila ni Ahron, sinabi niya na nagkausap na sila. Okay na siya sa sitwasyon nila, naka-move on na siya sa naunsyami niyang pag ibig dito at kaya na niyang matanggap na magkaroon ito ng iba. Ganun? Eh, `di good for her. Magandang dibersyon ang karera niya, Fifteen years na siyang artista at bago ang Harry Patty, sa 15th anniversary concert niya muna siya mag-concentrate.

Angelica ayaw pa ring tantanan si John Lloyd

May bago na namang pakulo si Angelica Panga­niban. May ipinakikita itong suot na engagement ring sa Instagram account niya, ang problema lang wala pa siyang ipinakikilalang lalaki na pwedeng magbigay nito sa kanya. Paeklat lamang ba niya ito para ma-intimidate ang ex niyang si John Lloyd Cruz? Hindi ba niya gusto na makita na mukhang kuntento naman si JLC sa naging desis­yon nito sa pag-ibig? At gusto pa niyang unahan ito sa pag-aasawa?

Sana nga may lala­king naghihintay na madala siya sa altar para matahimik na siya.

Sofia nag-iilusyong Dyesebel

Nakakatuwa naman ang pagiging adventurous ng Kapuso child actress na si Sofia Pablo. Bukod kasi sa husay niyang umarte sa Sherlock Jr. bilang kapatid ni Ruru Madrid, busy din siya pagdating sa mga hobbies na ginagawa niya ngayong summer.

Isa na nga rito ay ang pagsu-swimming wearing a mermaid’s tail. Kinabiliban siya dahil kahit sa ilalim ng tubig, tila nang-aakit ang natural na ganda niya at kahit alam naman daw ng lahat na mahirap ito, tila effortless lang para sa kanya. llan nga sa mga comments na nabasa namin ay nagsasabing pwede na raw siyang maging susunod na Dyesebel. Possible kaya ito?

THE GOOD SON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with