^

PSN Showbiz

Nadine hindi na tuloy ang pagiging nurse!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Nadine hindi na tuloy  ang pagiging nurse!

SEEN: Ang problema sa schedule ang ibinigay na dahilan ng direktor na si Jun Lana kaya hindi na matutuloy ang pag?bibida ni Nadine Lustre sa The Nurse. Kukunan ang mga eksena ng The Nurse sa Japan.

SCENE: Nanghihinayang ang fans ni Nadine Lustre dahil naniniwala sila na bagay sa aktres ang challenging role sa The Nurse. Hindi pa sinasabi ni Jun Lana ang pangalan ng aktres na napipisil niya na ipalit kay Nadine.

SEEN: Si Bb. Pilipinas International 2017 Mariel de Leon ang bagong contract star ng Regal Entertainment, Inc. Kasama ni Mariel ang kanyang mga magulang na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong nang pumirma siya ng kontrata sa movie outfit ni Mother Lily Monteverde noong Martes.

SCENE: Ang marathon telecast ng Ang Forever Ko’y Ikaw na mapapanood ngayon, Maundy Thursday, 11:30 a.m. sa GMA 7. Napanood noong March 12 ang unang episode ng morning romantic drama series nina Camille Prats at Neil Ryan Sese.

SEEN: Playhouse ang working title ng television series na pagsasamahan nina Zanjoe Marudo at Angelica Pa­nganiban. Ang Playhouse ang balak na ipalit ng ABS-CBN sa timeslot ng Hanggang Saan.

SCENE: Nostalgia ang pamagat ng upcoming television series nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Co-stars ng real life lovers sa Nostalgia sina Ina Raymundo, Alice Dixson, at Iza Calzado.

Nababalitang break na sina Joshua and Julia dahil nahuli ni Julia na nakikipag-chat sa babaeng fan si Joshua.

SEEN: Batik sa mga pangalan nina Quezon City Councilor Franz Pumaren at Gian Sotto ng District 3 ang mga tao na nagsusugal sa Cambridge Street, Barangay E. Rodriguez, Quezon City. Ang tent na may mga litrato at pangalan nina Sotto at Pumaren ang gina­gamit ng mga nagsusugal habang naglalamay sa bangkay na nakaburol sa kalsada.

SCENE: Ang hinala na may ulterior motive si Kris Aquino kaya pinili nito ang Cornerstone Entertainment para mamahala sa showbiz career niya.

Hindi ang Cornerstone Entertainment ang unang talent management agency na nilapitan ni Kris dahil nakipag-usap din ito noon sa talent manager na si Arnold Vegafria na nabigo na matulungan siya na maka-penetrate sa GMA Network, Inc. Sina Deo Endrinal at Boy Abunda ang mga manager at adviser ni Kris noong kasikatan ng television host/actress.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with