^

PSN Showbiz

Bitoy at Iya, atat na sa season 3 ng Lip Sync Battle Philippines

Pilipino Star Ngayon
Bitoy at Iya, atat na sa season 3  ng Lip Sync Battle Philippines

MANILA, Philippines — Magiging kapana-panabik na naman ang inyong Linggo dahil nagbabalik na naman ang Lip Sync Battle Philippines para sa ikatlong season nito sa GMA Network na mapapanood na ulit sa April 1!

Mas kaabang-abang ang kumpetisyon dahil sa ibibigay nilang exciting performances with a twist every week.

Kasama parin sina Kapuso Comedy Genius Michael V. bilang host at Multi-talented TV host-actress Iya Villania-Arellano bilang color commentator.

Gustong gusto nang ipapanuod ito ni Bitoy sa mga viewers dahil kakaiba raw ang mga pagbabagong magaganap ngayong season.

“Excited ako kasi sinala talaga namin yung mga battlers ngayon and magkakaroon ng bagong battles. So ang masasabi ko talaga, mas aabangan ito kasi yung mga napiling battler, ready talaga sila,” paliwanag niya.

Samantala, masaya namang ipinahayag ni Iya na masaya siyang makatrabaho si Michael V. dahil sa natatanging warm persona­lity nito.

“I am just happy to be working with Kuya Bitoy because you know, he is very approachable and friendly and lahat ng galaw ko sa set, he is there to help and assist me so hindi talaga ako nahihirapan.”

Magsisimula ang laro sa mga celebrities o sikat na personalidad na maglalaban-laban  sa isang lip sync battle for 2 rounds. Maaari silang pumili ng sarili nilang kanta at ang crowd ang magdedesisyon kung sino ang mananalo pagkatapos ng dalawang rounds. Makakakuha ng Lip Sync Battle Championship belt at pagkakataong maging Lip Sync Battle Champion ang magiging winner ng nasabing laro.

Para mas maging exciting ang season na ito, marami pang dapat abangan ang mga viewers, tulad nalang ng 3-way battle at mga episode na kada linggo ay may tema na mas magpapa-intense pa sa head-to-head challenge ng inyong mga paboritong artista. Kaabang-abang din ang mga maggi-guest na color commentator bukod kay Iya na magpa-participate para mas magbigay kulay at saya sa programa.

Mula sa pangunguna ni Rico Gutierrez, abangan ang pagbabalik ng Lip Sync Battle Philippines every Sunday, simula na sa April 1 sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with