Internet Sensation na si Aling Vicky dinirek ni Xian!
Director na rin si Xian Lim.
Yup, siya lang naman ang nagdirek ng commercial ng internet sensation na si Aling Vicky (na in real life ay si tita Hermie Go).
Endorsement sa isang sikat na burger store, Zarks, ang directorial debut ng Kapamilya actor na ngayon ay nasa management group na Viva.
Anyway, wala na ngang makakapigil sa pagsikat ni Aling Vicky.
Bukod sa commercial, may manager na rin siya, si Ms. Veronique del Rosario ng Viva Artists Agency. Si Ms. Ve na ang nakikipag-negotiate sa mga offer ni tita Hermie este ni Aling Vicky na super trending matapos makalkal ang character niya sa pelikulang Baliktaran: Si Ace at Si Daisy, 17 years ago, 2001, directed by Al Tantay, starring Rufa Mae Quinto and Bayani Agbayani.
Associate producer ng Viva Films ang ngayon ay super sikat na si Tita Hermie.
Ilang millions na ang views ng nasabing throwback movie clip at maging ang guesting niya sa Jessica Soho last Sunday ay more than half million na ang views. At ito, tumatawag na rin sa kanya ang Rated K, pati ang TV 5 for interview.
At ito pa, may susunod na endorsement si Aling Vicky at kasama siya sa pelikulang Miss Granny starring Sarah Geronimo.
Hahaha. Sosyal si Aling Vicky.
Kaya naman pag namamasyal siya sa mall o kahit sa palengke, marami nang nakiki-selfie sa kanya.
Napanood na rin siya sa pelikulang Luck at First Sight last year with Jericho Rosales and Bela Padilla as Madam Peachy at Dear Lola sa Camp Sawi.
Tiyak na marami pang mga project na gagawin si Aling Vicky sa Viva Films kung saan siya associate producer.
Iba rin si Tita Herms.
Azkals kailangan ng support ng fans
Enjoy din palang manood ng football game. Hindi crowded ang Rizal Memorial Football Stadium at mas mura ang entrance fee.
Last Thursday night ay nanood kami ng friendly match ng Philippines (Azkals) vs. Fiji. Nanalo ang Azkals vs. Fiji, 3 - 2.
More than 1,000 ang attendance sa Rizal Memorial pero kokonti pa lang ‘yun as in parang wala pang ¼ ng venue.
At hindi pa lahat ay Pinoy ang andun, maraming kalahi ng Fiji ang mukhang dumayo pa ng bansa para panoorin ang nasabing laban. Kaya pag sumigaw ang audience ng Azkals, asahan mo sasagot ang maka Fiji.
Kailangang kailangan daw ng support ng Azkals fans para sa campaign ng bansa kanilang first appearance sa gaganaping AFC Asian Cup next year.
Crucial ang laban nila sa Tuesday (March 27) against Tajikistan kaya kailangan nila ng maraming magchi cheer para mas ganahan silang maglaro at maipanalo ang laban. Nakasalalay dun ang kapalaran nila sa AFC Asian Cup UAE 2019 Qualifiers.
Star pa rin ng Azkals sina Phil Younghusband at Simone Rota (na recently lang ay pinalabas sa Sinag Manila Filmfest ang docu film tungkol sa kanyang buhay).
Manood kaya si Sam Pinto kung saan isa rin sa pambato ng grupo ang kanyang boyfriend na si Misagh Bahadoran?
Sana nga dumami pa ang fans ng football sa bansa tulad ng tennis na pag may international matches ay talagang ginagastusan ng mga Pinoy.
Eh itong football, cheap lang kumbaga ang presyo ng tickets kahit ikumpara sa basketball.
Sana lang i-repaint ng Rizal Memorial ang area na inuupuan ng manonood para mas magandang tingnan at mas maging presentable naman.
Paalam Miss Tapia….
Namaalam na ang original na Miss Tapia, si Mely Tagasa.
Ang anak niyang writer na si Gina Tagasa ang nagkumpirma sa pagpanaw ng beteranang artista. `Goodbye, Mommy dearest...You can now rest in Peace. We love you very much. #AnakNiTapia
`At 12:26 am today (March 24, 2018) our beloved Miss Tapia has joined our Creator. The gates of Heaven open for her. We love you very much, Mommy!`
Sumikat ang character ni Miss Tapia sa sitcom noong 70s to 80s na Iskul Bukol.
Kuya Kim, nagpa-tattoo kay Apo Whang Od
Sa pagtatapos ng isang buwang selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng Matanglawin, tumulak pa-Norte si Kim Atienza para makilala at magpapa-tattoo kay Apo Whang Od, ang kinikilalang huling tradisyunal na nagtatattoo o mambabatok.
Samahan si Kuya Kim ngayong Linggo (Marso 25), 9:45am para sa isang hindi pangkaraniwang paglalakbay sa tahanan ng tribo ng Butbut upang alamin ang kasaysayan ng pag-ukit ng mga simbolo ng katapangan at tagumpay sa mga sinaunang mandirigma na naging parte na rin ng kanilang kultura.
Para ipagdiwang ang ika-101 na kaarawan ni Apo Whang Od, magpapa-tattoo rin si Kuya Kim sa kauna-unahang pagkakataon, sa pamamagitan ng pambabatok kung saan paulit-ulit na minamarkahan ang balat gamit ang tinik ng pomelo at uling. Katapangan para sa kalalakihan at kagandahan para sa mga kababaihan ang pagkakaroon ng tattoo para sa sinaunang Kalinga.
- Latest