Ibinalita sa CNN Philippines na nakuha ng Netflix ang rights na maipalabas sa video streaming site ang Filipino film na Birdshot at ang TV series na AMO.
Ang sabi sa report, ang Birdshot ang “first Filipino content that will be released locally on Netflix.” Sa March 26, bukas, mapapanood na ang pelikula na idinirek ni Mikhail Red.
Ang Amo naman ang first series from the Philippines na mapapanood sa Netflix worldwide simula April 9 sa direction ni Brillante Mendoza. Tungkol ito sa drug war campaign ng ating bansa at tiyak na marami ang magkakainteres na panoorin.
Tampok sa Amo si Derek Ramsay at kasama sa cast sina Allen Dizon, Vince Rillon at Felix Roco.
Alden sangkot Pagiging matanda ni Luane Dy ipinagtanggol ng BF
Nabasa namin ang sagot ni Carlo Gonzales sa bashers ng girlfriend niyang si Luane Dy na pilit inili-link kay Alden Richards dahil lang magkasama sila sa Eat Bulaga. Kung si Luanne, hinayaan na lang na ma-bash siya sa kanyang Instagram (IG) account, si Carlo naman ay pumalag.
Sa na-bash at sinabing matanda na si Luane, sinabi ni Carlo na: “Ay matanda na pala ang 30? Kayo ho ba 70? Mata lang ho kasi nakita sa pic nyo. Baka mas bata pag buong mukha. Wala naman pong masama sa pagiging matanda, lahat po tayo tulad ninyo ay tumatanda rin naman di ho ba? ang importante ay kung pasulong ba o paatras. Mukhang nakain na po kayo ng sistema at paatras ang edad ng mga utak po ninyo. Tsk tsk...”
“Thank you love!” ang sagot ni Luane sa pagtatanggol ni Carlo sa kanya. Kaya lang, may mga ayaw paawat at tuloy pa rin sa pamba-bash kay Luane.
Sa mga nagtatanong kung ano ang show ni Carlo sa GMA 7, nasa Sherlock Jr., siya bilang pulis pero lumalabas na rotten cop siya dahil kumampi sa masasamang tao.
EA ayaw pag-usapan ang balikan sa ex
Nakita namin at nakausap sandali si Edgar Allan Guzman sa screening ng Citizen Jake sa UP Film Center last Friday. Biniro namin ito na posible silang magkasama ng ex-GF niyang si Shaira Mae dela Cruz na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.
Napangiti si Edgar, pero wala pa siyang follow-up show after My Korean Jagiya at makikipag-meeting pa lang ang manager niyang si Noel Ferrer sa network. Isa si Edgar sa 28 ALL KAPS talents ni Noel.
Sa ngayon, may movie si Edgar for CineFilipino titled Mata-Tapang.