Sagot ng bagong koronang Miss International kopya kay Nadine?!
MANILA, Philippines — Hindi pa tapos ang isyu sa Binibining Pilipinas ha. Naloka ang fans ni Nadine Lustre matapos ngang halos copy cut ang answer ni contestant no. 31 Eva Psychee Patalinjug na nanalong Binibining Pilipinas Grand International 2018.
Ang tanong ng judge na si Ambassador Victor Echiverri.
“What is the role of beauty queens in the pursuit of our country’s economic success, if any?”
Answer ni Eva: “A role of a beauty queen is to be a voice. I am here to make a message to all of you. In these times of uncertainty and fear that have seemingly taken over in our country, we have remained steadfast and unfazed amid all the challenges. As a united nation, what we should do is set aside our political differences, forget our economic and social preferences, and let love and loyalty for our country rise above all so we can march toward the future in the hopes of making a peaceful country. Thank you.”
Kaya naman inilabas ng fans ang sagot ni Nadine sa interview ng Mega Magazine last year:
Nadine sa Mega Mag: “In these times when fear and uncertainty have seemingly taken over, as a united nation, we remain steadfast and unfazed in the midst of challenges. I believe what we need as one nation now is unity. As we celebrate our country’s independence, let us march forward towards the future, in the hopes of building a better nation, #TheNewPH. This is my stand and my pledge for humanity.”
Obviously kabisado ni Binibining Pilipinas Ms. International ang sagot niya dahil nagkaroon ng medyo misleading sa naging sagot niya na natrace nga na sagot ni Nadine sa previous interview.
Pero nanalo pa rin ha.
Wow… Sarah hindi na raw mabilang ang International Awards
Nag pramis si Sarah Geronimo na mas malaking concert ang This 15 Me sa April 14, 2018, Araneta Coliseum.
Celebration ang This 15 Me ng kanyang 15th anniversary in showbiz.
Last 2015 pa ang major concert ni Sarah, ang From The Top.
Kaya naman more than excited na raw si Sarah na magperform.
Malayo na ang narating ni Sarah mula nang maging winner sa Star For A Night ng Viva TV. Fourteen years old lang siya nang manalo pero naging suki na siya sa maraming singing contest since she was three. Pero nagbago ang lahat sa buhay niya nung 2003 sa Star For A Night.
Naalala ko pa nun na hindi agad siya nabigyan ng project dahil meron pala siyang manager na parang fly by night lang. Kinailangan pa yung plantsahin ni Boss Vic del Rosario bago simulan ang pagbuild up ng career ni Sarah.
To date, kabi kabila ang natatanggap na international awards ng singer/actress. I doubt nga kung nabibilang niya pa.
Siya lang din ang artist na nagkapuno sa Araneta Coliseum at MOA Arena ng magkasunod gabi for her Perfect 10 concert.
Nakagawa na rin siya ng 22 albums kasama na ang Sweet Sixteen, Taking Flight, Perfectly Imperfect and The Greatest Unknown at marami pang iba.
Pagdating sa pelikula, wala siyang ginawang movie na hindi naging box office.
Sa kasalukuyan, busy siya sa shooting Miss Granny, ang Pinoy adaptation ng super hit Korean movie with the same title. Magiging 20 Again ang title nito. Si Direk Joyce Bernal ang nagha-handle ng movie. Kasama niya sa Miss Granny sina James Reid and Xian Lim. Supposedly ay sa April na rin ito ipalalabas. Pero so far wala pang inaadvice ang Viva Films.
At any rate, available na nga pala on line ang kanyang latest single na Sandata.
Nagdagdag na ng bagong section ang Araneta Coliseum para sa This 15 Me pero meron pa raw natitirang tickets kaya para sa mga interested na magpurchase punta lang sa TicketNet online or call 911555 or Viva Live 6877236.
- Latest