Nasa sinehan pa rin ang pelikulang Meet Me in St. Gallen and Ang Pambansang Third Wheel.
Parehong maganda ang feedback ng dalawang pelikula ng Viva Films.
Starring sa Meet Me in St. Gallen sina Bela Padilla and Carlo Aquino. Nagsilbi itong comeback movie ng aktor na matagal natengga sa mga teleserye. Dahil dito biglang naging in demand uli ang dating young actor.
Ang Pambansang Third Wheel naman ay pelikula nina Yassi Pressman and Sam Milby.
Pinupuri si Yassi sa Third Wheel pero iisa ang puna kay Sam, walang pagbabago ang akting.
Wini-wish ng mga nakapanood na sana ay umasenso naman ang aktor pagdating sa acting department.
Anak ni Vic big time artist na
Big time artist na ang anak ni Vic Sotto na si Paulina Luz Sotto. Si Angela Luz ang nanay ng batang artist na mahal na ang presyo ng mga painting na naka-display ngayon sa isang high end department store.
Yup, nasa level na siya ng renowed Filipino artists at hot item sa market ang bawat obra niya. Expensive rin at talagang itinuturing na treasure oras na magkaroon ka.
Lolo ng anak ni Vic ang National Artist for visual arts na si Arturo Rogerio Luz.
Celebrity Stylist hitsurang nanganak na
Nanay na nanay na ang hitsura ng isang celebrity stylist na nanganak pero hindi makaamin dahil may asawa’t anak daw ang nakabuntis.
Aktibo na uli sa social media ang nasabing CS na may nakarelasyon ding actor at kita sa physical appearance niya ang pagbabago ng hitsura.
Ayon sa source, wala raw itong kaplano-planong umamin sa nangyari sa kanya. Binantaan daw kasi itong kakasuhan ng misis ng karelasyon kaya takot maiskandalo.
Nanay ng baguhang aktor, naka-boots kahit summer
Grabe rin ang nanay ng isang baguhang actor.
Dinaig niya pa ang anak sa kanyang porma.
Sa isang event na dinaluhan ng aspiring actor, kahit halos summer na, naka-long boots si mother na in all fairness naman ay maganda at medyo bata pa.
Very stage mother daw talaga ito kaya kung hindi sisipa ang career ng actor, ito ang dapat sisihin.
Cine Turismo kinilala ang dalawang K-Movie
Sana pati ang TV shows na nagpo-promote ng tourism ng bansa ay bigyan din ng recognition ng Tourism Promotions Board (TPB) with Cesar Montano as Chief Operating Officer para mas ma-encourage pa silang magpakita ng magagandang spots ng ating sariling bayan.
Last Thursday kasi ay binigyan ng parangal ang sampung pelikula bilang pagkilala sa pagpapakita nila ng kagandahan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Cine Turismo. Ito ang first time nagbigay sila ng nasabing recognition.
Kasama sa sampung pelikula (2016 to 2017) ang Sakaling Hindi Makarating, Lakbay 2 Love, Paglipay, Camp Sawi, Patay Na si Hesus, Apocalypse Child, Siargao, I Found My Heart in Santa Fe, and Kiko Boksingero.
Sana nga ay matulad ang bansa natin sa Korea na dinadagsa ng mga Pinoy para bisitahin at magpa-picture sa mga lugar na napapanood nila sa mga Koreanovela. Lahat ng flights from Manila to Korea ay laging punuan.
Bukod sa 10 local films, dalawang Korean movies na nag-feature sa Boracay ang binigyan ng recognition sa Cine Turismo last Thursday. Ito ay ang Mango Tree and Romantic Island.
Medyo matagal nang ginawa ang dalawang Korean films pero ito umano ang nag-engganyo sa Koreans na dayuhin ang Bora.
Anyway, bukod sa Cine Turismo, isinusulong din ni COO Cesar ang passage ng Film Tourism Bill. “Film tourism is a steadily growing industry in the country. This project is created to acknowledge the many films and filmmakers that, through their wonderful portrayals of the Philippines, have roused interest and boosted tourism in local tourist spots,” sabi ni COO Cesar sa Cine Turismo.