Happy 32nd anniversary sa PSN (Pilipino Star Ngayon)! Siyempre, hindi magiging matagumpay at hindi aabot sa 32 years ang PSN kung wala ang suporta ng dear readers at ng mga advertiser, pati na ang hard-working staff.
Maraming salamat sa walang sawa na suporta ninyo sa PSN na halos ka-age nina Anne Curtis, Angel Locsin, at KC Concepcion. Actually, mas matanda pa sila ng isang taon sa PSN.
Mapalad ako dahil bahagi ako ng PSN. Year 2007 nang magkaroon ako ng column sa PSN pero una akong nabigyan ng column sa afternoon tabloid na PM (Pang-Masa). Si Papa Miguel Belmonte ang nag-request na magsulat din ako sa PSN.
Unforgettable ang mga unang buwan ko bilang kolumnista ng PSN dahil nakatikim agad ako ng libel suit, courtesy of Piolo Pascual and Sam Milby.
But past is past. Love ko na ngayon si Papa Piolo na hindi pa rin nawawalan ng mga kontrobersya na kinasasangkutan pero chill lamang siya. Wish ko lang, kagaya ako ni Papa P. na hindi confrontational at combative.
Hindi naman nag-prosper ang libel case dahil nagkaroon kami ng amicable settlement. Hindi ko pinangarap na gumising nang maaga para lang dumalo sa mga hearing kaya nag-sorry na lang ako na hindi naman kabawasan sa pagkatao ko dahil nakasakit ako ng kapwa. All’s well that ends well pero may mga pumapalag pa rin minsan sa mga column item ko na hindi maiiwasan dahil hindi ko naman inaasahan na agree ang lahat sa mga report ko.
Ang magtagal pa ng maraming taon na sure ako na mangyayari ang anniversary wish ko para sa PSN at sa lahat ng mga empleyado ng inyong favorite morning tabloid.
Rhian nakaganti nasa TV exec na nanglait
Vindicated si Rhian Ramos dahil natuto siyang umarte. Hindi nakakalimutan ni Rhian ang sinabi sa kanya noon ng isang television executive na hindi siya marunong umarte.
Naloka si Rhian sa narinig na komento pero ito ang ginamit niya para mapatunayan na may acting talent siya.
Sobrang laki na ng improvement ni Rhian bilang aktres at pinupuri ang acting niya sa The One That Got Away ng GMA 7. Nakakatanggap na rin si Rhian ng mga acting nomination dahil sa mga performance niya sa kanyang mga pelikula.
Hindi nagtanim si Rhian ng sama ng loob laban sa television executive na prangkahan na nagsalita na wala siyang acting talent.Dati-rati, for fun lamang ang pag-aartista ni Rhian. Hindi na ngayon dahil love na niya ang acting profession.
Cesar walang time sa mga katsipang isyu
Pinarangalan noong Huwebes sa Manila Diamond Hotel ang mga direktor, movie producer at pelikula na tumulong sa promotions ng tourism industry ng Pilipinas sa pamamagitan ng Cine Turismo.
Idea ni Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano na bigyan ng parangal ang mga movie producer at filmmakers na ipinakita ang kagandahan ng Pilipinas sa kanilang mga pelikula. Bongga ang naisip na project ni Cesar dahil na-inspire ang mga movie producer at direktor na gumawa ng mga pelikula na makakatulong sa promotions ng tourism industry ng ating bansa.
Hindi inaasahan ng mga movie director na pahahalagahan ng TPB at ni Cesar ang munting kontribusyon nila sa Philippine tourism industry.
Nabigo ang mga reporter na nag-cover ng Cine Turismo na mainterbyu si Cesar pero hindi naman sila na-hurt. Naintindihan ng entertainment press na para sa Cine Turismo at Tourism Promotions Board ang event, hindi tungkol sa personal na buhay ni Cesar na hindi basta pinapatulan ang mga intriga na ipinupukol sa kanya.