Alden mas lodi sa twitter; Angel kinabog na ni Vice
MANILA, Philippines — Patok na patok pa rin ang social media platform na Twitter noong nakaraang taon at parami nang parami ang nakiki-update sa mga lodi nilang artista mapa-local man o international. Ang Twitter pa rin kasi ang isa sa pinakamabilis na platform at simpleng social media site para makapang-i-stalk. Tingnan natin ang 32 Twitter lodis (actor/performer/host) na most followed ngayong taong 2018 base sa statistics ng socialbakers as of March 13.
Kung noong nakaraang taon ay si Angel Locsin ang nanguna with 8.58M followers kinabog siya ngayong taon ni Vice Ganda with 10.6M followers. Maaalalang pumangatlo lang si Vice Ganda last year with 8.49M followers.
Pumangalawa naman last year si Anne Curtis with 8.47M followers. Ngayong taon ay nasa pangalawa pa rin siyang spot with 10.3M followers. Pangatlo na lang si Angel ngayong 2018 with 10.2M followers.
Narito pa ang ibang local celebrities na kukumpleto sa ating 32 Twitter lodis of 2018:
(4th) – Kathryn Bernardo – 8.1M
Nasa parehong posisyon pa rin siya last year nasa ika-apat na posisyon na may 6.71M followers noon. Mukha namang hindi na siya active sa Twitter kumpara kay Daniel na panay ang tweet. Naka-link naman dito ang kanyang Instagram account kung saan siya mas aktibo.
(5th) – Yeng Constantino – 7.2M
Pang-lima pa rin si Yeng at nadagdagan pa rin ang followers niya kahit noong 2011 pa ang huli niyang tweet.
(6th) – Bianca Gonzalez – 7M
Kahit tumaas naman ng 1M ang followers ni Bianca eh nanatili pa rin siyang nasa ika-6th ng most followed Twitter lodi this year. Aktibo pa rin si Bianca sa pag-tweet tungkol sa political issues ng bansa.
(7th) – Daniel Padilla – 7M
Same spot din si lodi Daniel sa number 7 at sige pa rin siya sa paggamit ng Twitter sa pag-promote ng kanyang parami nang paraming endorsements. Isang milyon ang pagitan ng followers nila ni Kathryn.
(8th) – Luis Manzano – 5.8M
Maging si Luis ay nasa same spot at active na active sa pagsagot at retweet. Matapang pa rin siyang sumagot sa bashers pero kapansin-pansing wala pa rin siyang mintis sa pagpapatawa dahil sa mga nakakaaliw na video clips mula sa kanyang linked IG account.
(9th) – Vhong Navarro – 5.8M
Naungusan naman ni Vhong si KC Concepcion na nasa ika-9 last year. Active rin si Vhong sa Twitter kung saan mahilig siyang makipagsagutan sa mga kasamahan sa It’s Showtime.
(10th) – KC Concepcion – 5.4M
Nagkapalit sila ng puwesto ni Vhong this year na hindi na aktibo ngayong taon sa Twitter. Lumabas sa mga balitang gusto na munang magpahinga ni KC sa showbiz at atupagin ang sariling business matapos makipaghiwalay sa former Azkals team captain na si Aly Borromeo.
11. Lea Salonga – 5.3M
12. Enrique Gil – 5.2M
13. Julia Montes – 5.1M
14. Alden Richards – 5M
15. Sam Milby – 4.9M
16. Angelica Panganiban – 4.82M
17. Cristine Reyes – 4.79M
18. Maine Mendoza – 4.7M
19. Iya Villania – 4.4
20. Georgina Wilson – 4.2M
21. Kim Atienza – 4.2M
22. Nikki Gil – 3.99M
23. Karylle – 3.91M
24. Gary Valenciano – 3.89M
25. Solenn Heussaff – 3.87M
26. Christian Bautista – 3.7M
27. Rachelle Ann Go – 3.4M
28. Ramon Bautista – 3.3M
29. Jhong Hilario – 3.1M
30. Jugs Jugueta – 3M
31. Ruffa Gutierrez – 2.9M
32. Robi Domingo – 2.9M