^

PSN Showbiz

Tanging Yaman tampok sa skydirect free view lenten special

Pilipino Star Ngayon
Tanging Yaman tampok sa skydirect free view lenten special

Gloria

MANILA, Philippines — Pangungunahan ng Tanging Yaman, ang classic hit tungkol sa isang pamilyang nabuong muli para sa kanilang ina ang mapapanood sa SKYdirect Free View sa Semana Santa ngayong buwan ng Marso.

Kailangang magkaisa ng tatlong magkakapatid na matagal nang nagkahiwalay ng landas para sa kanilang ina na nagkaroon ng Alzheimer’s. Puno ng mga kilala at mahuhusay na artista ang cast, sa pangunguna ni Gloria Romero na tumayong ina ng kanilang pamilya. Gumanap bilang mga anak niya sina Johnny Delgado, Edu Manzano, at Dina Bonnevie.

Umani ng parangal ang Tanging Yaman sa Metro Manila Film Festival noong 2000. Kabilang na rito ang Best Picture, Best Director para kay Laurice Guillen, Best Actress para kay Gloria Romero, Best Actor para kay Johnny Delgado, Best Screenplay para kila Laurice Guillen, Shaira Mella Salvador, at Raymond Lee. Nasungkit din nito ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award na iginagawad sa mga pelikulang nagpapakita ng mga katangiang Pilipino.

Mapapanood din ang 90’s classic na Sarah, ang Munting Prinsesa na pinagbidahan ni Camille Prats. Tungkol ito sa isang herederang naulila nang maaga at nakaranas ng kalupitan sa kamay ng isang guro nang akalaing wala nang aasahan sa buhay  ang bata matapos mawalan ng ama.

Kumukumpleto sa pang-Semana Santang handog ng SKYdirect Free View ang Dekada 70.

Bida ang ilang award-winning na actor gaya nina Piolo Pascual, Christopher De Leon, at Vilma Santos.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with