MANILA, Philippines – Naghain ng resolusyon ang Senado ngayong Martes upang kilalanin ang naiambag ni Filipino singer and composer Freddie “Anak” Aguilar sa larangan ng musika sa bansa.
“Aguilar is the only singer and composer who broke into the western market and gained massive global recognition, bringing pride and honor to our country. His unceasing nationalistic contribution to Philippine music and culture warrants recognition,” nakasaad sa Senate Resolution No. 658 ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.
Ginawa ito sa nalalapit na ika-40 na anibersaryo ng kantang “Anak” na ni-release sa 53 bansa, isinalin sa 29 wika at nagawan ng higit 100 bersyon.
Sa Marso 18 ang mismong anibersaryo ng kanta na umabot na rin sa 33 milyon ang nabentang kopya sa buong mundo.
“Billboard, the music industry standard record chart in the United States for singles, reported that the song was the number one in the United States for two weeks and a world hit of the 1980s. As of 2006, it was unsurpassed as the all-time highest-selling record of Philippine music,” nakasaad pa sa resolusyon.
Nitong 2015 lamang ay ginawang theme song ng Korean film na “Gangnam Blues” ang naturang kanta.