AiAi may bagong career!
Hindi na maabot si Comedy Queen AiAi delas Alas. Talent manager na rin siya dahil siya ang in charge sa pamamahala ng career ng Internet sensation na Ex Battalion.
Naganap sa AiSarap Express noong Linggo ng gabi ang contract signing nina AiAi at ng mga miyembro ng Ex Battalion na sinaksihan ng mga legal counsel nila.
Two years ang exclusive contract na pinirmahan ng Ex Battalion kay AiAi na nag-iisip pa ng ipapangalan sa talent management agency niya.
Excited si AiAi sa bagong career nito dahil big challenge sa kanya na pasikatin sa mainstream showbiz ang Ex Battalion.
Ang major concert ng Ex Battalion sa Ynares Center sa April 27 ang isa sa mga project ni AiAi para sa kanyang mga alaga na tanging ina ang trato sa kanya.
Very positive si AiAi na magiging successful ang major concert ng Ex Battalion na milyun-milyon ang fans na puro maliliit na bata.
Jiro gusto na uling mag-showbiz
Type pala ni Jiro Manio na magbalik showbiz at si AiAi ang gusto niya na mag-manage sa kanyang acting career.
Ikinuwento ni AiAi na humingi ng permiso si Jiro sa management ng rehabilitation center na pinapasukan niya para sa kanyang plano na i-resume ang showbiz career.
Okey kay AiAi na mag-artista uli si Jiro pero kailangan nito na magpapayat dahil tumaba nang todo ang former child actor nang ipasok sa rehabilitation center.
May feeling ako na na-engganyo si Jiro na maging active sa showbiz nang imbitahan siya sa special screening ng Meet Me in St. Gallen, ang pelikula nina Carlo Aquino at Bela Padilla.
Ginanap ang special screening ng pelikula sa sinehan ng Powerplant Mall at dinaluhan ito ng lahat ng mga artista na gumanap na anak ni AiAi sa Ang Tanging Ina.
I’m sure, na-miss ni Jiro ang pag-arte kaya hiningi niya ang tulong ni AiAi para sa kanyang balak na magbalik sa showbiz.
Wish ko lang, seryoso si Jiro sa plano nito at sana, magtuloy-tuloy na ang pagkakaroon ng direksyon ng kanyang buhay dahil nakapanghihinayang kung hindi magagamit at basta mababale-wala ang God given acting talent niya.
Aubrey nag-iba ang aura nang aminin ang anak sa pagkadalaga
Congrats sa stars at production staff ng Ang Forever Ko’y Ikaw ng GMA 7 dahil marami ang naaliw sa pilot episode kahapon.
Natawa ang viewers ng teleserye nina Camille Prats at Neil Ryan Sese dahil funny ang mga eksena ng unang episode ng Ang Forever Ko’y Ikaw.
Mabilis ang pacing ng mga eksena kaya nabitin sila sa panonood ng drama romantic comedy series na project ng staff ng Bubble Gang at Pepito Manalo kaya very light at timely ang kuwento at treatment.
May special participation sa Ang Forever Ko’y Ikaw si Aubrey Miles, ang girl na nagbigay ng heartache sa karakter ni Neil Ryan.
In all fairness, hindi nagbabago ang physical appearance ni Aubrey na mas maganda ngayon kesa noong active pa siya bilang sexy star at todo-deny na may anak sa pagkadalaga.
Nakatulong kay Aubrey ang pagpapakatotoo dahil nag-iba ang aura niya mula nang aminin na may lovechild sila ng kanyang ex-boyfriend na si JP Obligacion.
Malaki talaga ang nagagawa ng pagiging honest sa sarili at sa publiko para magkaroon ng bongga at positive aura.
- Latest