^

PSN Showbiz

Christopher naoperahan, nagdelikado sa tama ng baril ni Marvin!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Christopher naoperahan, nagdelikado  sa tama ng baril ni Marvin!

Palpak ang ginamit na baril sa death scene ni Christopher de Leon sa Kambal, Karibal ng GMA 7.

Nasapol ang legs ng magaling na aktor kahit blank bullet ang nakalagay sa ginamit na baril ni Marvin Agustin. Ang lakas daw ng lagay ng powder ayon sa source. Akala raw ng lahat ay mababaw lang at kung natamaan man si Boyet konting wax or powder lang kaya hindi agad ito nagpa-check-up. Nilinis lang daw at nagpa-anti-tetanus shot ang aktor nang bumiyahe sila sa Marawi.

Pero tumindi raw ang sakit kagabi kaya pumunta ang aktor sa ER ng Asian Hospital. Hirap daw maglakad at iika-ika ito. Ipina-x-ray daw nila at doon nakita na kailangan operahan agad-agad.

Kagabi ay naoperahan na agad ang award-winning actor.

At sabi raw ng doktor, kung tumaas pa ‘yung tama sa groin, delikado na at puwedeng ikamatay ni Boyet.

Tiyak naman na hindi pababayaan ang aktor ng GMA 7.

Drew Barrymore nagpapalakas sa mga pinoy

Nasa bansa ang Hollywood actress na si Drew Barrymore. Pero hindi pelikula ang ipino-promote niya, kundi ang Netflix show na Santa Clarita Diet.

“We have arrived. Safe, as you can see! So many guards I feel like a alterna grunge princess,” sabi ng actress na excited na nagbiyahe sa Manila at maraming pinasikat na pelikula.

Well, kung magpapabaya ang mga TV network natin, baka tuluyan silang masapawan ng Netflix na masigasig sa pagpo-promote ng mga show nila rito sa atin. 

Pero may bayad ang panonood sa Netflix, hindi libre. Plus kailangan mo pa ng mabilis na Internet.

‘Yun nga lang, grabe ang mga production ng mga palabas nila, parang ka-level ng Hollywood films. O minsan parang mas bongga pa nga.

Like ‘yun palabas na The Crown na kuwento ng buhay ni Queen Elizabeth II, mapapa-wow ka talaga sa production at sa detalye ng historical drama. Ang bongga.

Anyway, ang isang sigurado nga lang, iba ang market nila kesa sa local TV pero ganun pa man dapat pa ring maghanda ang mga local TV network natin.

government appointee na may-asawa nagkakalat ng landi

Super landi pala ang isang female government appointee na married na.

Yup, narinig kong pumapatol itong si government appointee sa may mga asawa na pulitiko.

Yup, as in nakakailang boyfriend na raw ito na tulad niya ay may asawa rin pero kayang-kanya raw i-handle ni Madam ang situation at parang na-master na ang pakikipaglandian sa mga may asawang tulad niya.

Maganda raw kasi si Madam at medyo bata pa kaya pinapatos din naman.

Jona, may 2 bagong versions ng till the end of time

Hindi lang isa kundi dalawang bagong versions ng Till The End Of Time ang ilalabas ni Jona sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng kanyng certified gold at platinum album mula sa Star Music.

Handog ng MYX Music Awards 2018 Female Artist of the Year nominee ang Take It To Forever (Till The End Of Time pt. 2) single, isang bonggang pop collaboration kasama ang R&B Royalty na si Jay R at ang international rapper na si Req.

May club remix din ang Birit Queen ng nasabing kanta na nagpapakita naman ng kakaibang istilo ng pag-awit mula sa isa sa pinaka-in-demand na mang-aawit ngayon.

Si Jonathan Manalo, ang Star Music audio content head, ang nagprodyus ng parehong pop at club remix versions ng Till The End Of Time.

Noong nakaraang taon unang inilabas ang orihinal na bersyon nito, isang collaboration kasama ang BoybandPH at bahagi ng self-titled album ni Jona.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with