Atom naglabas ng galit sa pamilya Marcos

Atom

PIK: Ngayong araw na magsisi­mula ang bagong light romance drama ng GMA 7, ang Ang Forever Ko’y Ikaw na mapapanood bago mag-Eat Bulaga.

Bukod sa bagong tandem nina Camille Prats at Neil Ryan Sese, huhusgahan din ang loveteam nina Bruno Gabriel at Ayra Mariano. Nagkaroon sila ng following sa Grind, at na­sundan na dito sa Ang Fore­ver Ko’y Ikaw, kaya mas close na ngayon si Ayra kesa sa dating ka-tandem niya sa StarStruck na si Migo Adecer.

Sabi ni Bruno, si Ayra raw ang isa sa pinaka-close niya sa showbiz dahil nagkapalagayan sila nang loob sa workshop hanggang sa Grind.

Agree naman si Ayra. Sabi niya, “Dahil po kasi sa workshop. Kumbaga, parang na-open po namin ang personal life po namin sa workshop. Siyempre, kapag ang tao nagpakilala sa personal na buhay niya, parang maa-attach ka rin sa kanya.

“Sobrang kumportable po ako sa kanya. ‘Yung working relationship po namin saka yung outside the work na relationship namin, sobrang okay.”

PAK: Isa sa matapang na pelikulang mapapanood natin ang Citizen Jake na obra ni direk Mike de Leon at first movie ni Atom Araullo.

Nagkaroon ito ng screening sa UP Theater kamakalawa ng gabi na dinaluhan ng main cast kasama si direk Mike, at educators na karamihan ay naging biktima ng karahasan noong Martial Law.

Isa si Atom sa nagsulat ng kuwento na talagang umaatake sa pamilya Marcos at pati sa kabulukan ng pulitika.

Ani Atom, “I was a co-writer. It’s a work of fiction but it has a strong message. So, we stand by what the film says.”

Nakahanda naman daw siyang harapin ang reaksyon ng mga masasagasaan lalo na ang pamilya Marcos. “I think our history is our best teacher. We have gone through the dark period of our history, and that kind of those stories are taught in school. We built monuments. We remember the people who sacrifice themselves their lives, their families, fighting the dictatorship. That is not apt for debate. This is an established historical fact. So, I don’t see anything controversial with that,” dagdag na pahayag ni Atom.

Pero bilang baguhang artista, hindi naman siya nagpahuli sa mga magagaling niyang co-stars lalo na kina Gabby Eigenmann at Luis Allandy na napakagaling sa pelikulang ito.

Wala pang playdate ang naturang pelikula, kaya abangan natin kung ano ang ibibigay na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dito.

BOOM: Nakakaintriga ang post ni Kyla sa kanyang Instagram account kamakailan lang kung saan ipinost nito ang bulaklak na ipinadala sa kanya ng management group niyang Cornerstone. Nagpasalamat siya sa Cornerstone at may mga mag-comment na magpagaling daw siya. Mag-rest daw siya hanggang sa bumuti ang pakiramdam.

Walang sagot ang taga-Cornerstone kung ano talaga ang kalagayan ng magaling na singer. Ang narinig lang namin ay medyo maselan ang pagdadalangtao nito.

Sana safe lang siya at ang baby na ipinagbubuntis niya.

Show comments