^

PSN Showbiz

Marjorie kiNabiliban sa ginawa sa bunsong anak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marjorie kiNabiliban  sa ginawa sa bunsong anak!

Huli kaming nagkita ni Marjorie Barretto sa Paris wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. noong September 2017.

Nagkuwentuhan kami ni Marjorie tungkol sa mga bagay-bagay pero hindi namin napag-usapan ang youngest daughter niya.

Talk of the town ang bagets dahil magkakasabay na inilabas ni Marjorie at ng ibang mga anak niya ang picture ng bata sa social media.

Malaking isyu ang ginawa ni Marjorie dahil openly ang denial noon ni Dennis Padilla na hindi nito anak ang bata.

Wala akong makita na masama o mali sa desisyon ni Marjorie na ipakilala sa publiko ang youngest daughter niya. Agree ako sa matapang na pasya ni Marjorie dahil unfair na itago ang mga inosenteng bata.

Kawawa naman ang mga bata na itinatago dahil hindi naman nila ginusto ang kanilang sitwasyon. Blessing ang pagkakaroon ng mga anak kaya hindi makatarungan na ilihim ang existence nila.

Bilang ina, karapatan ni Marjorie na ipaglaban ang human rights ng kanyang cute na anak.

Mark nag-iba ang aura!

Guest kahapon sa Unang Hirit si Mark Bautista at Kapuso ang tawag sa kanya ng mga host kaya kumbinsido ako na magkakaroon siya ng show sa GMA 7.

Very positive na ang aura ni Mark sa guesting nito sa Unang Hirit dahil ramdam na ramdam niya na tanggap na tanggap ng publiko ang kanyang major decision na mag-come out at aminin ang pagiging bisexual.

Bumalik at nadagdagan pa ang confidence ni Mark na parang nawala bago lumabas sa mga bookstore ang kanyang tell-all autobiography book, ang Beyond the Mark.

At the time, hindi kasi alam ni Mark ang magiging reaksyon at pagtanggap ng mga tao sa major revelation niya.

Tulad nang sinabi ko noon, nagbago na ang ihip ng hangin. Very positive na ngayon ang image ni Mark dahil gustung-gusto ng publiko ang pagpapakatotoo na ginawa niya.

Sorry na lang sa ibang closeted male celebrities na naunahan ni Mark sa paglalantad sa tunay na pagkatao at inggit na inggit dahil hindi sila kasing-tapang ng singer-actor.

Daboy buhay na buhay kay Renz

One week na hindi nag-taping noon si Dennis Trillo para sa The One That Got Away ng GMA 7 dahil ipinakilala ang mga bagong karakter ng show, sina Renz Fernandez at Ivan Dorschner.

Dahil naging maluwag ang schedule ni Dennis, nagkaroon siya ng chance na makapag-exercise sa gym at siyempre, ang bonding time nila ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Sa original story ng The One That Got Away, si Dennis ang hinahabol ng mga karakter nina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins.

Nabaliktad na ang sitwasyon nang bumalik si Dennis sa taping ng primetime teleserye ng Kapuso Network dahil siya na ang naghahabol sa tatlong babae na may mga bagong love interest, sina Ivan, Jason Abalos at Renz.

Natutuwa ako dahil si Renz ang ipinareha kay Lovi dahil pareho sila na mga anak ng mga action superstar na super close noong mga nabubuhay pa, sina Rudy Fernandez at Fernando Poe, Jr.

I’m sure, kung nasaan man sina Daboy at Kuya Ron, happy din sila dahil magkasama sa isang television series ang kanilang mga anak.

Nagiging sentimental lang ako kapag napapanood ko si Renz dahil kaboses na kaboses siya ni Daboy kaya nami-miss ko ang tatay niya. Hindi lamang ang boses ni Daboy ang minana ni Renz dahil pati ang mannerisms at paglalakad ng kanyang ama, kuhang-kuha niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with