1962 gown na gawa ni Pitoy Moreno bidang-bida sa Oscars!
Kung alive ang fashion designer na si Pitoy Moreno, tiyak na matutuwa ito dahil parang binigyan siya ng tribute ng veteran actress na si Rita Moreno na talk of the town dahil sa gown na ginamit niya sa 90th Academy Awards na ginanap noong Linggo sa Dolby Theatre at live na napanood kahapon ng umaga, Lunes, Manila time.
Eighty six years old na si Rita at 56 years old na ang Pitoy Moreno gown na suot niya sa 2018 Oscars pero masiglang-masigla pa rin ang kanyang katawan kaya binigyan siya ng standing ovation nang mag-present ng award.
Walang makapaniwala na mahigit sa limang dekada na ang gown ni Rita dahil mukhang bago pa rin ito, isang pruweba na timeless talaga ang mga damit na gawa ni Pitoy kaya karapat-dapat ito sa title na Asia’s Fashion Czar.
Sinabi naman ni Rita sa red carpet interview sa kanya na made in the Philippines ang outfit niya sa 90th Academy Awards na special Japanese obi fabric ang materyal.
Para sa mga millennial na hindi kilala si Rita Moreno, nag-win siya na Best Supporting Actress sa 1962 Oscars dahil sa role niya sa West Side Story.
Fifteen years old pa lang ako nang manalo ng acting award si Rita na minsan nang nagpunta sa Pilipinas dahil dito siya nag-shooting para sa war movie na Cry of Battle.
Personal na kilala ni Rita ang National Artist at pumanaw na direktor na si Eddie Romero dahil ito ang associate producer ng Cry of Battle na pinagbidahan ni Rita at ng American actor na si Van Heflin.
Ang shooting ng Cry of Battle sa Pilipinas ang dahilan kaya si Pitoy ang nag-provide ng gown na ginamit ni Rita sa 1962 Oscars. Wala nang time noon si Rita na maghanap ng damit na isusuot sa Oscars dahil sa bundok ang set ng pelikula nila ni Van.
Maingat pala sa mga gamit si Rita dahil limang dekada niya na itinago ang gown na gawa ni Pitoy. Imagine, fifteen years old ako nang isuot ni Rita ang damit noong 1962 at ngayon, 70 years old na ako.
Pelikula ng tatlong Internet sensation inaabangan na
Two days lang na namalagi sa Metro Manila sina Akiko Solon, Rowell Ucat, at Mark Anthony Abucejo, ang stars ng Visayan movie na Magbuwag Ta Kay.
Lumuwas noong March 1 sa Metro Manila ang tatlo para sa mini-presscon ng pelikula nila na showing bukas, March 7, sa mga sinehan.
Excited sina Akiko, Rowell, at Mark Anthony nang tumuntong sila sa opisina ng Viva Films dahil first time nila na nakarating sa naturang lugar.
Ni sa panaginip, hindi naisip ng tatlo na darating ang araw na mararating nila ang opisina ng movie outfit na producer ng mga pelikula na kanilang pinapanood sa probinsya.
Hindi sila makapaniwala na ang Viva Films ang distributor ng Magbuwag Ta Kay.
Dalawang araw lang na nanatili sa Metro Manila sina Akiko, Rowell at Mark Anthony dahil may mga mall tour, radio and television guesting pa sila sa Visayas at Mindanao para sa Magbuwag Ta Kay.
Sikat na sikat sa Visayas at Mindanao ang tatlo dahil mga Internet sensation sila kaya inaabangan doon ang kanilang pelikula.
- Latest