^

PSN Showbiz

John hindi pa tinatanggap ng GMA!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
John hindi pa tinatanggap ng GMA!

John

Maugong ang balita na lilipat daw si John Estrada sa GMA 7 pero walang confirmation o denial mula sa mga bossing ng Kapuso Network.

Lumitaw ang tsismis na magbababu na si John sa ABS-CBN habang mainit na pinag-uusapan ang kontrobersya na kinasasangkutan nila ni Mylene Dizon.

Sabay-sabay na lumabas ang balita tungkol sa away nina John at Mylene sa set ng The Good Son pero bukod sa banta na magdedemanda siya, hindi pa sinasabi ni John ang panig nito tungkol sa tunay na nangyari. Pinabulaanan lang ni John na walang katotohanan ang balita na inilabas ng reporter na balak niyang sampahan ng kaso.

Raffy hindi tumanggap ng kahit anong kapalit

Unforgettable ang experience ko nang magpunta ako sa studio ng TV5 sa Mandaluyong City noong Biyernes para sa guesting ko sa Itimbre Mo Kay Tulfo, ang noontime program ni Papa Raffy Tulfo sa Kapatid Network.

Unforgettable dahil sa napakaraming tao na humihingi ng tulong kay Papa Raffy para magkaroon ng solusyon ang kanilang mga problema.

May mga babae na nagrereklamo dahil niloko sila ng kanilang mga asawa, merong mga humihingi ng financial help dahil may sakit sila, may mga biktima ng pang-aabuso ng mga amo nila at marami pang iba.

Nakakabilib si Papa Raffy at ang staff niya dahil talagang may oras sila para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng iba’t ibang klase ng tulong.

Ang sabi sa akin ni Nina Taduran, ang co-host ni Papa Raffy sa Wanted sa Radyo, kakaunti pa ang mga tao na nakita ko dahil mas mahaba ang pila na umaabot hanggang sa Edsa mula Lunes hanggang Huwebes. Ganoon karami ang mga kababayan natin na nakakita ng pag-asa kay Papa Raffy dahil mabilis ang aksyon nito sa kanilang mga inilalapit na problema.

Take note, walang kapalit ang pagtulong ni Papa Raffy at ng staff niya. Hindi sila tumatanggap ng mga pagkain o material things na ibinibigay bilang pasasalamat ng mga natulungan nila.

Aljur malabo sa sex video

May nagpakita sa akin ng kiyeme-kiyemeng video scandal ni Aljur Abrenica habang hinihintay ko ang pag-uumpisa ng TV program ni Papa Raffy sa TV5.

Hindi believable na si Aljur ang starring sa video dahil parang kaloka-like lang niya ang mhin.

Puwedeng-puwedeng i-deny ni Aljur ang mahalay na video dahil hawig lang sa kanya ang bida sa video scandal.

Hindi kagaya ng mga malinaw na malinaw na video scandal nina Joross Gamboa, Carlos Morales at ng ibang mga aktor kaya mahihirapan sila na tumanggi.

Paolo pasok sa bagong segment ni Willie

Tinawagan ako ni Willie Revillame sa cell phone habang papunta ako sa TV5 studio noong Biyernes.

Interesado kasi si Willie na kunin na co-host si Paolo Contis sa Wowowin.

Magkakaroon ng bagong segment ang Wowowin kaya kailangan ni Willie ng mga bagong co-host na funny kaya perfect choice si Paolo.

Tuwang-tuwa si Paolo nang malaman nito ang bonggang offer ni Willie dahil noon pa niya pangarap na makatrabaho ang host ng Wowowin.

Hindi naman magiging problema sa schedule ni Paolo ang tapings niya para sa Wowowin dahil tuwing Lunes naman ang taping ng Bubble Gang.

Mainstay si Paolo ng top-rating gag show ng GMA 7 at kapag natuloy ang pag-apir niya sa Wowowin, dalawa na ang kanyang television show na mataas ang ratings.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with