^

PSN Showbiz

Inigo umaning iba ang nararamdaman sa koreanang VJ!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo umaning iba ang nararamdaman sa koreanang VJ!

Inigo

Isa si Inigo Pascual sa mga pina­kabagong video jockey o VJ ng MYX na nangungunang music channel sa bansa.

Masayang-masaya ang baguhang aktor dahil matagal na raw niya itong pinapangarap. “Masaya ako na nabigyan ng opportunity ng MYX,” nakangiting pahayag ni Inigo.

Kahit nae-enjoy ang pagiging VJ ngayon ay hindi naman daw ititigil ng anak ni Piolo Pascual ang pag-aartista o pag-arte sa telebisyon at pelikula.

Nilinaw din ng binata ang napababalitang pagkakamabutihan na nila diumano ng kasamahan din sa MYX na si VJ Sunny. Ayon sa binata ay matagal na niyang hinahangaan ang Koreana sa pagiging magaling na VJ nito. “I find it so cool that she can speak Tagalog, English and Korean. And she’s a lot older than us. When I saw her, she’s even Filipina at all. Parang humahanga lang, not anything like that. Not that way,” giit ng aktor.  

Marco hindi inasahan na sasali sa binibini ang kapatid na atleta

Isa si Michele Gumabao sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas nga­yong taon.

Todo-suporta naman daw ang nakababatang kapatid na si Marco Gumabao sa kanyang ate sa bagong tinatahak nito. “She has her own life naman and she makes her own decisions. But siyempre she still asked mom and dad kung ano ba ang maganda pang gawin and siyempre lahat kaming family full support for her,” bungad ni Marco.

Tiyahin ng magkapatid ang aktres na si Isabel Rivas na matagal nang na­ngangarap na magkaroon ng beauty queen sa kanilang angkan. Ayon kay Marco ay posibleng maisakatupan na ni Michele ang pangarap ng kanilang tiyahin at masaya ang aktor sa bagong ginagawa ng kapatid.  “Dream talaga niya na isa sa mga kapatid ko maging beauty queen. But I didn’t think na si Michele ‘yon kasi athlete siya and her body type is not for beauty queen. But I’m happy sa transformation niya,” pagbabahagi ng binata.

Sa March 18 magaganap ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2018.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->