^

PSN Showbiz

Joshua nagiging isip-bata kay Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua nagiging  isip-bata kay Julia

Hanggang maaari ay binabalanse raw ng magkasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia ang kanilang relasyon. Hindi sinasabayan ni Joshua ang init ng ulo ng dalaga kapag hindi maganda ang mood nito. “Bina-balance namin ang isa’t isa. Minsan, wala ako sa mood. Siya ‘yung magpapaganda ng mood ko. Kapag siya naman ‘yung wala sa mood, ako ‘yung nagpapaganda ng mood niya. Balance, very balanced,” bungad ni Joshua.

Katulad ng ibang magkarelasyon ay nakararanas din ang dalawa ng tampuhan pero hindi naman daw nag-aaway nang malala. “Wala, tampuhan lang, selosan lang, gano’n lang. Walang todong away,” giit ng binata.

Ayon kay Joshua ay agad na nakikipag-ayos kung sino man ang may kasalanan sa kanila sa tuwing nagkakaroon ng tampuhan. “Depende rin ‘yon eh kung sinong may kasalanan. Eh kadalasan kasi ako ‘yung may kasalanan kaya ako ‘yung nauunang makipag-ayos,” pagbabahagi ni Joshua.

Pinabulaan din ng aktor ang napababalitang isip-bata siya kaya nagkakaroon ng mga simpleng away. “Hindi ako isip bata. Nagiging isip bata lang ako ‘pag nagti-trip ako lalo na kapag gusto ko siyang asarin. Minsan naa-annoy na siya sa akin,” giit niya.

Para kay Joshua ay hindi na dapat pinatatagal pa kapag nagkakaroon ng tampuhan ang isang magkarelasyon at kinakailangan magkaayos kaagad. “Kasi lumalala ‘yung ganyan eh. Saka ayoko naman ‘yung todong away agad. Masyado kaming magiging kumportable sa isa’t isa kapag nag-away kami nang todo,” pagtatapos ng aktor.

Yassi hindi na-in love kay Sam

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sa pelikula sina Yassi Pressman at Sam Milby. Mapapanood na sa mga sinehan simula March 14 ang Ang Pambansang Third Wheel na pinagbibidahan ng dalawa.

Hindi raw naging mahirap para sa dalawa na magkapalagayan ng loob sa trabaho kahit ngayon lamang sila nagkasama sa isang proyekto. “Ang light po niya kasama. Madali lang kausap si Sam. Mahilig siya magpakain sa lahat ng tao. Mabait po,” nakangiting kuwento ni Yassi.

Matagal raw ginawa ang bagong pelikula dahil hindi magkatugma ang schedules ng dalawang bida kaya excited na si Yassi na mapapanood na ito ng mga tagahanga. “Final na po talaga ngayon. Once a month lang po kami nakakapag-shoot last year eh,” dagdag ng dalaga.

Kahit naging malapit sa isa’t isa ay hindi naman daw nagka-develop-an sina Yassi at Sam. “Busy pa po and hindi rin po kaya ng schedule din and iba po ang priorities ko ngayon sa life ko,” natatawang pahayag ni Yassi.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with