MANILA, Philippines — Inamin ng dating Pinoy Big Brother housemate at video blogger na si Wil Dasovich na nakatulong sa kanya ang paggamit ng medical marijuana upang labanan ang sakit na colon cancer.
Sa panayam sa ANC, sinabi ni Wil na legal ang paggamit ng marijuana sa California kung saan siya sumailalim sa siyam na cycle ng chemotherapy at operasyon na may kinalaman sa kanyang sakit.
Inendorso din aniya ng kanyang mga doctor ang medical marijuana na tinawag niyang “miracle drug.”
“In California, maybe some people don't know this, but marijuana is legal. Not just medical marijuana, as in like marijuana by itself... Every single cancer patient I met in the infusion center uses medical marijuana,” paliwanag ni Wil.
“Because the best thing it does, it's kind of like a miracle drug. They give you all these pills and stuff... I hated popping all these prescriptions they're giving. It works, it alleviates stuff, but nothing was like medical marijuana,” dagdag niya.
Mas dumali din aniya ang kanyang chemotherapy matapos niyang subukan ang paggamit ng naturang medikal na droga.
Nilinaw naman ni Wil na ginamit niya ang gamot na nasa candy o brownies at hindi sa pamamagitan ng usok dahil nais niyang maprotektahan ang kanyang baga.
“There's something about it. The best thing is that it gives you an appetite. When you are in chemo, nothing tastes good. Your favorite food just tastes terrible, so you stop eating,” ani Wil.
"I didn't try it until halfway through my cycles. Chemo gets harder through every cycle, but it actually became so much easier once I've finally tried that and did it,” pagpapatuloy niya.
Na-diagnose si Wil noong Setyembre nitong nakaraang taon ng stage 3 na colon cancer.
Samantala, kinumpirma naman niya nito lamang Pebrero na siya’y cancer-free na.