MANILA, Philippines – Dahil sa kaniyang mga adbokasiya para sa mga kababaihan, napili ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo bilang ambassadress ng Girl Scout of the Philippines (GSP).
Si Kathryn ang kauna-unahang ambassadress ng GSP, kung saan kasama niyang dumalo sa pagkilala sa kaniya ang ina at pamangkin.
Napili si Kathyrn matapos pagbotohan ng mga miyembro na karamihan ay kabataan.