Tuluyan na bang iniwan ni John Lloyd Cruz ang kanyang pag-aartista? Nami-miss na siya ng kanyang mga tagahanga. Pero, naiintindihan nila kung mas pinaboran niya ang pag-ibig kaysa ang kanyang karera.
Makapag-iiwan naman siya ng magandang marka kung sakali mang mawawala na siya nang tuluyan.
Hindi na siya makakalimutan. He should be thankful na napakaraming gustong suotin ang sapatos na maiiwan niya. Ang daming gustong maging the next John Lloyd, may mga baguhan, datihan at comebackers. Nadaragdagan pa at humahaba ang listahan habang nagtatagal pa ang pagkawala niya.
Kung sakali masaya na siyang mag-iba ng karera dahil may maiiwan siyang magandang legacy sa kanyang paglisan.
Aljur nagpasaklolo sa mga magulang
Ano pa ba ang matatawag sa ginawang pagpunta nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla kasama ang kanilang anak na si Alas sa bahay ni Robin Padilla at Mariel Rodriguez? Masasabing karaniwang pagdalaw lamang ‘yun pero, di ba’t hindi welcome ang ama ng apo ni Robin sa bahay niya? At bakit kasama pa nila ang pamilya ni Aljur? It is easier to conclude na pamamanhikan na ‘yun. O kaya ay isang paraan para hindi matanggihan ni Robin ang pagdalaw ng manugang niyang hilaw dahil kasama nito ang magulang niya.
Hindi niya sila maaring ipagtabuyan dahil lalabas naman siyang bastos. At kung sa pagsasama-sama ng dalawang pamilya ay maganap ang inaasahang pamamanhikan eh, nalalapit na ang pagiging legal na pagsasama nina Aljur at Kylie na siyang hiling ni Binoe sa dalawa.
Paolo hindi nakaimik sa ginawa ni Yam
Habang pinalalabas na lalaki si Paolo Ballesteros, wala naman itong ginagawa o sinasabi para patotohanan ang claim ng pelikula niyang Amnesia Love na kung saan ay napasabak sila ng leading lady niyang si Yam Concepcion sa mga kissing scene at love scene.
Maganda naman itong na-execute ng dalawa ng walang ilangan at kahirap-hirap bagaman at tahimik lamang si Paolo sa mga comment ng kapareha niya.