Kita Kita nakatanggap ng highest artistic award!
Matagumpay na naman ang ginanap na Film Ambassadors’ Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) last week.
Ang Ambassadors’ Night ay celebration ng local films/filmmakers na nagbigay ng karangalan sa bansa at kinilala sa iba’t ibang international film festival sa maraming panig ng mundo.
Bukod sa citations, pinangalanan din ng FDCP ng Camera Obscura Artistic Excellence Award, ang highest Artistic Excellence Award na ipinagkakaloob ng naturang ahensiya, sa mga outstanding members ng film industry.
Kabilang sa binigyan nito ang Saving Sally (for its international recognition bilang original full length Filipino animation film); Kita Kita (for setting a new box-office record as the highest grossing, independently-produced film in the Philippines) and film producer Ferdinand Lapuz (for reintroducing Philippine cinema to the global scene, paving the way for numerous films to be recognized in various prestigious international film festivals).
Kabilang naman sa mga FDCP’s A-listers ang winners from top international and globally-recognized film festivals na sina Allen Dizon and Angellie Sanoy na nanalong Best Actor and Best Actress for Bomba at the 33rd Warsaw International Film Festival 2017, Poland, Bianca Balbuena (Producer of the Year Award by the Asia Pacific Screen Awards International Federation of Film Producers Association (FIAPF) at the 11th Asia Pacific Screen Awards in Australia); Pailalim received the Fedora Award at the 65th San Sebastian International Film Festival in Spain, and Pauwi Na received the Golden Goblet Award at the 20th Shanghai International Film Festival in China.
Ito na ang ika-third year ng pagbibigay nila ng recognition sa mga Pinoy filmmakers na masigasig at walang sawang sumusubok na gumawa ng pelikula para purihin ng mga manonood sa ibang bansa sa tulong ng FDCP na wala rin namang kapaguran.
Nangako si FDCP Chair and CEO Liza Diño na patuloy ang magiging suporta nila para mas mapaangat pa ang ating movie industry.
Nagpapasalamat din siya sa mga manggagawa ng pelikula na nagiging instrumento para mas lumakas at maipagpatuloy ang malaking power ng cinema na nagpapakilala sa ating kultura.
Kasama rin sa mga kinilala at tumanggap ng parangal sina Angel Locsin para sa pelikulang Everything About Her at Iza Calzado for Bliss na parehong nanalo sa international film festival.
- Latest