Inigo pinakabagong MYX VJ

Inigo
MANILA, Philippines — Mula sa pagiging matagumpay na performer, papasukin naman ni Inigo Pascual ang pagiging veejay dahil opisyal nang inanunsiyo ng nangungunang music channel sa bansa, ang MYX, na ang singing sensation ang pinakabagong miyembro ng MYX Squad.
Sasamahan ni Inigo ang MYX VJs na sina Robi Domingo, Sharlene San Pedro, Ai dela Cruz, Turs Daza, Sunny Kim, at Donny Pangilinan bilang host ng iba’t ibang programa sa MYX at tagapagpakilala ng mga latest happenings sa music scene.
Ayon sa 20-anyos na singer, matagal na niyang pangarap maging MYX VJ, kahit noon pang naninirahan siya sa ibang bansa.
“Bata pa lang ako, fan na ako ng MYX. Kaya nung una akong naging guest celebrity VJ, sinabi ko talaga sa handler ko, ‘balang araw, magiging MYX VJ ako,’ tapos ngayon, nangyayari na nga. Nandito na ako, at sobrang excited akong makilala pa ang MYX family at maging VJ para sa inyo,” kwento ng ASAP Jambayan singer.
Hindi na bago ang binata sa mundo ng musika, lalo pa’t nanguna sa iba’t ibang music charts ang kanyang hit single na Dahil Sa’yo noong 2017.
Dahil sa kanyang passion sa OPM, misyon ng bagong MYX VJ na mapalaganap pa ang local music sa kanyang henerasyon.
Ayon sa binata, “kung gusto nating mahalin ang mga kanta natin si ibang lugar, dapat mahalin muna natin ito dito. Paano mo dadalhin yung musika mo sa ibang bansa kung hindi mo mahal yung sarili mong musika?”
Excited na rin si Inigo na makatrabaho ang kanyang kaibigang si Donny at ang makulit at kaaya-ayang si Sunny na kapareho niyang mahilig sa K-Pop.
Panoorin si VJ Inigo sa MYX International Top 20 tuwing Sabado, 6pm; sa MYX Daily Top 10 Pinoy Edition tuwing Huwebes, 1am, 7am, 12pm, at 8pm; at sa MYX Versions, Pop MYX, Pinoy MYX, at My MYX. Mapapanood ang MYX sa SKYcable channel 23. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.myxph.com, i-like ang @MYX.Philippines sa Facebook, o sundan ang MYX sa Instagram (@myxph) o Twitter (@MYXPhilippines).
- Latest