Erich nagpatulong umungol kay Tom dahil kay Piolo? Mark banned na sa ASAP

Erich

PIK: Wala raw malisya, pero nakikiusap ang ibang mga kaibigan na sana ay isulat daw ang back-to-back guesting nina Mark Bautista at Piolo Pascual sa concerts sa mismong Valentine’s Day.

Isa sa mga special guest si Mark sa Love Wins Valentine concert ni Joanna Ampil na gaganapin sa BGC Arts Center sa Taguig. Sa Maynila naman ay si Papa P kung saan special guest din siya sa Ai Heart U ni AiAi delas Alas na gaganapin sa Palacio de Maynila sa Roxas Boulevard.

PAK: Marami ang naintriga sa huling post ni Mark Bautista kung saan anim na quote card ang inilabas nito na ang sabi, “I can find a job outside a TV network and I can still call it a career.”

May iba pa siyang hanash tungkol sa buhay na isang malaking panaginip lang daw. Sabi pa niya sa isang post, “Pag namatay tayo mari-realize na lang natin paggising, na ito pala lahat ay totoong panaginip lang…isang malaking panaginip.”

Pati ang caption ay ganundin ang mensahe na, “Life is but a dream beyond #beyondsuperficialties.”

Wala pang paliwanag si Mark kaugnay sa mga ipinost niya. Hindi pa niya nasagot ang ilang is­yung narinig namin kung totoo bang hindi siya makapag-guest sa ASAP dahil naroon si Piolo. Nakakaintriga rin kasi ang pang­dededma ng ABS-CBN 2 sa isyu ng paglabas niya ng sariling libro. Dedma sila, as in news blackout sila sa isyu ni Mark sa kanyang librong Beyond The Mark.
BOOM: Dahil sa matin­ding takot kay direk Joel Lamangan, napi­litang sumunod si Erich Gonzales na umungol sa isang love scene nila ni Tom Rodriguez sa pelikulang The Significant Other.

Sabi ni direk Joel, parang hindi raw niya mapapalagpas ang love scene na hindi umuungol si ­Erich.

“Siyempre po sabi ni direk Joel na gawin mo ‘to, sino ba naman tayo para hindi sumunod sa isang direk Joel Lamangan? Opo na lang ako ng opo.

“Sabi ko na lang kay Tom, tulungan mo ako,” paha­yag ni Erich sa presscon ng pelikula na ginanap sa Highgrounds Café kahapon ng hapon.

Meron na raw inuuga-uga ni Tom ang hospital bed para maging makatotohanan talaga ang love scene nila ni Erich.

Itinanggi naman ni direk Joel ang tsikang nagdagdag pa raw ng sexy scenes si Erich para sa pelikulang ito.

“Hindi naman. Sinunod lang namin ‘yung nasa script,” pakli ni direk Joel.

Basta natutuwa lang daw siya sa pelikula dahil bukod sa magaling ang mga artista niya, wala silang kaarte-arte sa maseselang eksenang ipinapagawa sa kanila.

Sa September 21 na ang showing ng The Significant Other na mukhang magpapauso uli ng sexy films.

Show comments