Jadine nagbabaga ang revolution sa pagmamahalan!

Iba rin talaga sina James Reid and Nadine Lustre. Malalim ang pagiging artist/performer nila.

At naipakita nila ‘yun sa kanilang Revolution concert last Friday night sa jampacked crowd ng Araneta Coliseum.

Bagay sa kanila ang lahat ng kanta na ang iba ay original at ang ibang familiar songs ay binigyan nila ng bagong tunog kaya halos sumabog ang Araneta Coliseum sa lakas ng tilian ng fans. Pero alam mong graduate na sila sa pagpapa-cute at pagpapakilig. May pagka-daring na ang  moves nila.

Ang Cool Down at On Top ni James at memoryado ng fans. Maging ang St4y Up ni Nadine ay  grabe ang reaction ng fans.

At dahil two years din ang nakalipas bago uli sila bumalik on stage, talagang dumag­sa ang fans. Fans na ang iba ay nagbalik-bayan pa para lang manood ng concert base sa kanilang mga suot na shirt. Marami ring mga bata, pami-pamilya, at may naka-wheelchair pa.

Nakadagdag sa bonggang concert ang guesting ni Sarah Geronimo na very Beyonce ang look. Mula sa hair hanggang sa outfit niya. Galing ng duet nila ni James pero mas dumagundong ang Araneta nang silang tatlo na nina Nadine ang humataw.

At nang matapos ang number nila, tinanong ni Sarah, si James bakit may nagaganap na Revolution (title ng concert) “Revolution of love, revolution of music,” sagot ng Multi Media Prince.

At grabe naman ang naging tilian ng fans sa trailer pa lang ng coming soon movie ng JaDine na Not to Love You. Wala pang playdate ang movie pero ramdam mong sabik na ang fans na mapanood uli sa big screen. Mas mature ang role nila sa movie base sa trailer.

Wala namang naging special announcement ang magkarelasyon kumpara nung nakaraan nilang concert two years ago.

Nang sa isang duet nila ay lumabas na naka-white gown si Nadine at naka-suit si James ay nagtilian ang fans at nagdudang baka nga may sasabihin sila pero nagbubulungan lang sila at nangingiti habang pa-exit sa stage.

Sa rami nang intrigang pinagdaanan ng magka-loveteam, masasabing hindi talaga sila binitiwan ng fans.

Parang the more nga na binabato sila ng intriga sa social media, mas lalo silang minahal ng fans.

Siyempre present sa concert ang mga boss ng Viva na talagang malaki ang naging tiwala sa kanila, si Boss Vic, Vincent and Veronique del Rosario.

Mga chinese namangha kay Kz, Jessie J walang nagawa

Taray ng Kapamilya singer na si KZ Tandingan. Kinabog lang naman niya ang British singer na si Jessie J sa sinalihan nilang singing contest sa China na Singer 2018.

Sa You Tube, kitang-kita kung paano namangha ang audience sa husay nang pagkakanta ni KZ ng Rolling in the Deep ni Adele.

Jazzy ang pagkakabanat ni KZ sa kanta pero hinaluan niya ng Tagalog rap na labis na ikinabilib ng mga hurado at maging ng mga kalaban niya.

Bukod pa sa talagang mahusay ang pagkakakanta niya, walang halong kaba at malinis ang boses. Angat na angat ang uniqueness niya sa performance ng international na nagpasikat sa mga kantang Price Tag, Domino, Bang Bang at iba pa na familiar sa ating mga Pinoy. Bagama’t mahusay si Jessie J sa version niya ng Ain’t Nobody at lutang na lutang ang pagiging performer niya, hindi naman pang singing contest ang banat niya. Para lang siyang nasa concert.

Kaya nasungkit agad ni KZ ang top spot at pumangalawa lang si Jessie J na base sa botohan ng audience sa nasabing singing contest.

Anyway, sa mga nagkalat na picture ng dalawang singer na magkalaban sa Singer 2018, ang pinaka-popular na singing contest sa bansang China, hanggang leeg lang ni Jessie si KZ samantalang naka-heels na raw ito. Ikinumpisal din ni KZ na si Jessie ang dahilan kaya siya kumanta uli noong nasa high school pa siya.

                                                                      

Show comments