May isang chapter sa autobiography book ni Mark Bautista tungkol sa panliligaw niya noon kay Sarah Geronimo.
“Forever Mark-Sarah” ang pamagat ng chapter na cute na cute ako dahil isa pala si Sarah sa mga pinagkakatiwalaan ni Mark kaya alam niya ang lahat ng mga problema ng kanyang ka-loveteam noong nagsisimula pa lamang ang kanilang mga showbiz career.
Hanggang ngayon, matunog na Kuya Mark ang tawag ni Sarah kay Mark.
Ang sey ni Mark, “She tells me about her problems and I tell her the truth every time she hears rumors about me. I trust her a lot and my love for her as a friend has grown even more.”
Reading between the lines, alam ni Sarah ang tunay na pagkatao ni Mark dahil wala itong inililihim sa kanya.
Natatandaan ko na may pressure noon na gawin na loveteam sina Mark at Sarah.
Ginagawan ng paraan na ligawan ni Mark si Sarah na very naïve at innocent pa sa mundo kaya type na type ko siya.
Alam mo na virginal at talagang never been touched pa noon si Sarah dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Mommy Divine.
So ligaw-ligaw ang Mark, itong Sarah naman tanong nang tanong, at napaka-curious sa maraming bagay, so ending naging very close sila to the point na sinabi ni Mark ang mga kakaibang bagay sa kanya.
Knows na natin ngayon kaya ibang klase ang friendship nina Mark, Sarah, at Rachelle Ann Go.
Noon pa man, hindi ginusto ni Mark ang magtago o maging sinungaling, pero siyempre you only tell your secrets to people you trust kaya hanga ako kina Sarah at Rachelle Ann na talagang mababait na kaibigan.
Never sila nagbigay ng komento kaya forever friends sila ni Mark na hindi inilihim na crush niya noon si Rachelle Ann.
Ang daming cute sidelights ng libro ni Mark, kaya nga nagtataka ako kung bakit isang bagay lang ang pinansin, ‘yung tungkol sa kanyang male friend. The book has more to offer, maniwala kayo sa akin.
Book writer siniraan at ibinuko ang idolo kunong aktor
Kalurky ang mga tao dahil pati ang ibang mga aktor na matagal nang pinagdududahan ang sexual preference, idinadamay nila sa isyu ng paglalantad ni Mark sa tunay na pagkatao nito.
Hindi tama na i-tag at himukin ng mga intrigero ang ibang mga aktor na magladlad at gayahin si Mark ‘no!
Wish ko lang, irespeto nila ang mga aktor na nananahimik pero kinakaladkad sa kontrobersya. Wala silang ipinagkaiba sa isang book writer na nag-emote na maling-mali at hindi makatarungan na i-out ang isang tao na pinaghihinalaan na bading pero pinangalanan at pinuri niya ang aktor na kanyang hinahangaan.
Malaking kagagahan ang ginawa ng book writer na masarap tampal-tampalin hanggang matauhan. Isa lamang siya sa maraming Pilipino na kiyeme-kiyemeng concerned at affected pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang ginagawa niya na pagkakalat ng tsismis at direktang paninira sa aktor na kanyang nirerespeto kuno.
Maraming ganyan sa paligid natin, mga tao na magagaling mag-Ingles kaya napagkakamalan na matalino pero walang wisdom at puro kababawan ang mga pinagsasasabi.