Bossing at Pauline hindi namalayang dalawang taon nang mag-asawa
Last January 30 ay second wedding anniversary ng mag-asawang Vic “Bossing” Sotto at Pauleen Luna and the couple is blessed with their almost three-month old baby na si Talitha.
Sina Vic (63) at Pauleen (29) ay ikinasal noong January 30, 2016 sa St. James The Great Parish Church in Alabang, Muntinlupa after ng almost four years bilang magkasintahan.
Ang isang admirable kay Pauleen ay close siya sa lahat ng mga anak ni Bossing at maging sa mga apo nito.
Kabadingan ni Ken umabot na hanggang Thailand
Tuwang-tuwa ang Kapuso actor na si Ken Chan dahil palabas ngayon sa Thailand ang TV series na kanyang pinagbidahan na Destiny Rose na naging launching vehicle niya bilang lead actor.
Si Ken ay huling napanood sa seryeng Meant to Be kung saan niya nakabituin si Barbie Forteza, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner.
Carlo ayaw maging rebound si Angelica
Bago pa lamang ang break-up ng actor na si Carlo Aquino sa kanyang longtime ex-girlfriend na si Kristine Nieto kaya ayaw niyang maakusahan na love on the rebound ang kanyang ex-girlfriend at kaibigan ngayon na si Angelica Panganiban.
While Carlo admits na may espesyal pa ring bahagi sa kanyang puso at buhay si Angelica, ayaw niyang madaliin ang lahat. Pero naniniwala siya na kung sila ang meant for each other ay mangyayari umano ito. Sa ngayon ay gusto muna i-enjoy ni Carlo ang magandang pagkakaibigan nila ni Angelica dahil ito naman ang magandang pundasyon ng isang relasyon.
At kung saka-sakali man daw ang panahon na sila pa rin ni Angelica balang araw, alam na nila itong i-handle dahil pareho na silang nag-mature unlike nung pareho pa silang mga bata and in their teens.
Direk Maryo hanggang Biyernes na lang ang lamay
Malaking kawalan sa industriya ang maagang pamamaalam ng well-loved at mahusay na direktor na si Maryo J. delos Reyes na binawian ng buhay nung nakaraang January 27 dahil sa sakit sa puso.
Ang mga labi ni Direk Maryo J. ay nakalagak sa Loyola Memorial Chapels along Commonwealth Avenue in Quezon City since Tuesday evening, January 31 until Friday evening, February 2.
- Latest