^

PSN Showbiz

Aktor kating-kating ligawan si Bianca ; Dating matinee idol lumalabas ang sungay sa taping kapag papalapit na ang umaga!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Aktor kating-kating ligawan si Bianca ; Dating matinee idol lumalabas  ang sungay sa taping  kapag papalapit na ang umaga!

PIK: Kapansin-pansin na ang kaseksihan ni Bianca Umali kahit napakabata pa niya. At hindi lang niya alam na may isang aktor na crush na crush siya. Pero ayaw naman daw niyang guluhin pa ang love­team nila ni Miguel Tanfelix.

Lalo ngang bumobongga ngayon ang love­team ng dalawa dahil impressive ang rating ng Kambal, Karibal na pataas nang pataas. Nitong nakaraang linggo lang, January 16, nakakuha ng 10 percent ang Kambal, Karibal sa AGB NUTAM Survey.

PAK: Matutuwa si Robin Padilla sa partner ni Pokwang na si Lee O’Brian dahil ilang taon pa lang naman siya rito ay maayos na itong mag-Tagalog.

Sa interview sa kanya ng TV Patrol, pinipilit niya talagang sumagot ng Tagalog kahit English ang tanong sa kanya.

Masayang-masaya sila ni Pokwang sa pagda­ting ng baby girl nilang si Malia, kaya kahit masakit at nahirapan sa operasyon para mailuwal ang baby, sulit na sulit daw ang lahat nang makita na niya ang napakaganda nilang baby.

“Sobrang happy lang. Napakapositibo.

“Isipin mo, sa edad kong ito, nakahabol kami ng isang angel ‘di ba?” pakli ni Pokwang.

 Tinanong ang Amerikanong si Lee kung kasal na ba ang kasunod, “Siguro,” nakangiti niyang sagot.

“Now, our attention for Malia. She needs our attention. She needs to get better,” dagdag niyang sagot.

Pero touching ang mensahe niya para kay Pokwang.

Sabi ni Lee, “Maraming maraming salamat sa pagiging nanay sa anak ko. Kasi ikaw ang sobrang mahalaga ng buhay ko, at sobrang masaya kasi magsama tayo together.”

BOOM: Irita na ang production staff ng isang drama series sa dating matinee idol na isa sa major stars nila sa serye.

Bukod daw sa nag-a-attitude ito kapag papaumaga na ang taping, minsan ay basta na lang nilalayasan ang set kahit may mga eksena pa siyang kukunan. Kakaiba raw ang ugali nito sa production staff na isinusumpa na siya.

Minsan daw sa taping nila, eksenang barilan daw ang kukunan. Ibinigay na raw sa kanya ng production staff ang baril na may laman na blank bullets. Sinabihan daw siyang huwag munang paputukin dahil limitado lang ang bala nila at may kaunting diperensya ang baril.

Hindi raw ito sinunod ni aktor. Hindi pa raw nag-take ay pinaputok na nito ang baril. Kaya noong sa mismong take nila, kinapos na sila ng bala at nagkadiperensya na raw ang baril.

Pinagsabihan daw ito ng staff, pero ang sabi lang daw ng aktor, “hindi ba puwedeng mag-test fi­ring muna?!” Kaya sinasabi na raw ng iba na ayaw na nilang makatrabaho pa ito uli.

Nagtataka lang daw sila dahil noong mga unang araw ng taping ay okay naman ito, pero habang tumatagal ay lumalabas na ang ‘di magandang ugali ng aktor na ikinairita nilang lahat.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->