Bilang bagong ama ay aminado si Aljur Abrenica na nahihirapan pa siya sa pag-aalaga sa kanilang anak ni Kylie Padilla na si Alas.
“Ang pinakamahirap siguro sa akin ay ‘yung hindi ko siya mapatahan sa pag-iyak. Kasi nasa 5th na siya and nag-teething na and painful sa bata ‘yon eh. So kahit ano’ng comfort ang ibigay mo iyak lang siya nang iyak,” nakangiting kwento ni Aljur.
Maraming mga bagong bagay pa raw ang natutuklasan ngayon ng aktor mula nang magkaroon ng anak. “Marunong pala akong mag-alaga at humawak ng bata. Kasi hindi ako humahawak ng bata eh kasi nakakatakot. Magpatawa ng bata kasi ako ‘yung playtime eh, lagi,” dagdag niya.
Kahit abala sa trabaho at sa pag-aalaga sa anak ay sinisikap pa rin ni Aljur na magkaroon ng oras para makasama ang fiancée. “As much as possible kailangan maging sensitive ka all the time. Kasi hindi rin siya magsasabi eh kapag pagod na siya. You have to be sensitive about it, and maging spontaneous pa rin. Tipong nandiyan ‘yung kapatid ko. Tapos iiwan ko muna si Alas, ‘Oh mahal, mag-take out muna tayo.’ Kahit mga 15 to 20 minutes kami na kaming dalawa lang nasa labas, it makes a big difference sa kanya,” pagbabahagi ni Aljur.
Blended family Jodi nagpapasalamat sa pagmamahal ni Iwa sa anak
Nananatili ang pagiging magkaibigan ni Jodi Sta. Maria at ang dating asawang si Pampi Lacson. Maging ang kasintahan ngayon ni Pampi na si Iwa Moto ay kaibigan na rin ng aktres.
“Ako I am very happy rin sa relationship nila and I am very thankful din do’n sa friendship namin ni Aileen (Iwa). Nagpapasalamat ako kasi si Aileen din ‘yung tumatayong pangalawang ina ni Thirdy ‘pag nandoon siya sa daddy niya. And of course doon sa nag-blossom na friendship namin,” nakangiting pahayag ni Jodi.
Ayon sa aktres ay ibang klaseng pagmamahal din ang ibinibigay ni Iwa kay Thirdy. “There is no greater feeling na malaman mo na ‘yung anak mo minamahal siya. Natutuwa ako na sinasabi namin lagi kay Thirdy na hindi man talaga nag-work out ‘yung sa amin ng daddy niya pero ‘yung aming little family, ‘yung blended family ‘di ba, parang mas dumadami ‘yung mga taong nagmamahal sa kanya,” paliwanag ni Jodi.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Jodi at Iwa nang magkaroon ng anak ang huli kay Pampi. “It all started a few years back. I reached out to her ang congratulated for their new baby and I just sent a little something for them,” kuwento ni Jodi.