^

PSN Showbiz

Angel may kinalaman sa pagbabago ng propesiya!

Pilipino Star Ngayon
Angel may kinalaman  sa pagbabago ng propesiya!

MANILA, Philippines — Naganap na nga ang pinakahihintay na paghaharap-harap nina Jacintha (Angel Locsin), Sandrino (Richard Gutierrez), Malia (Kathryn Bernardo), at Tristan (Daniel Padilla) noong Martes (Jan 9) sa hit-action serye ng ABS-CBN na La Luna Sangre.

Talaga namang tinutukan ng sambayanan ang tinaguriang ‘gabi ng La Luna Sangre’ matapos itong pumalo sa national TV rating na 31.7% base sa Kantar Media.

Makapigil hininga ang bakbakan sa pagitan nina Jacintha at Sandrino ngunit pinakatumodo na ang tensyon nang kagatin ni Sandrino si Tristan.

Laking gulat ni Jacintha sa nasaksihan at bagamat may pag-aalangan ay pinili niya pa rin ang kapakanan ang sangkatauhan at tuluyang binaon sa puso ni Tristan ang pangil ng lobo. Hindi pa natapos diyan ang lahat dahil maging si Sandrino ay napuruhan din ni Jacintha gamit ang parehong armas.

Samantala, ma­ngiyak-ngiyak naman si Malia nang yakapin ang wala ng buhay na katawan ni Tristan.

Ano ang kahahantungan ng kanilang kwento? Pormal na nga bang nawakasan ang panganib na nakita sa propesiya?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 

 

ANGEL LOCSIN

LA LUNA SANGRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with