Grabe, parang nilimas ng pelikulang Gandarrapiddo starring Vice Ganda, Daniel Padilla, and Pia Wurtzbach at Ang Panday starring and directed by Coco Martin ang datung ng mga bata nung Pasko, opening ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.
Ayon sa nakausap kong source, P125 million ang kinita ng dalawang movie na parehong produced ng Star Cinema and Viva Films with CM Productions ni Coco (for Ang Panday) sa opening day.
Ang dalawang pelikula ang first and second placer at pang-third ang Meant to Beh nina Vic Sotto and Dawn Zulueta sa unofficial result na nakuha ko yesterday.
As predicted, nakasama sa Top 4 ang Haunted Forest ng Regal Films starring Jane Oineza and Raymart Santiago.
Humahabol ang All of You nina Derek Ramsay and Jennylyn Mercado, Deadma Walking (Edgar Allan Guzman and Jorross Gamboa), Siargao starring Jericho Rosales and Erich Gonzales at ang pinupuring pelikula na Ang Larawan.
Ito ay unofficial at galing lang sa isang source na may hawak ng record ng mga pelikulang napapanood ngayon sa mga sinehan na bahagi ng isinasagawang MMFF.
Ayaw maglabas ng executive committee ng actual figures and rankings para raw hindi mag-set ng bandwagon pero hindi pa rin maiwasan dahil ‘pag tatanungin mo naman ang mga sinehan ay sinasabi nila kung ano ang pinakamalakas.
Anyway, tonight na gaganapin ang Gabi ng Parangal at inaasahang magpaparamihan ng award ang Ang Larawan at Deadma Walking na parehong Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Inaasahang pipik-up ang dalawang pelikula sa mga susunod na araw dahil mga bata naman talaga ang sumusugod sa mga sinehan ‘pag Pasko. Basta ‘wag lang mawawala sa mga sinehan ha.
Kahapon ay may appeal na ang kampo ng Ang Larawan at Deadma Walking na ‘wag naman silang tanggalan ng mga sinehan dahil may feedback na nagtanggal na ang ibang mga sinehan.
Sana nga ay magawan ito ng paraan ng MMFF.
MET puspusan ang restoration
Mukhang full blast ang ginagawang restoration sa Metropolitan Theater sa Lawton.
Maliwanag na ang paligid at may inilagay pa silang Christmas décor na ilan.
Ang MET ay idinisenyo ni Juan Arellano at nagbukas noong 1931.
Makikita roon ang sculptural works tulad ng Adam and Eve sa main lobby na ginawa ng Italian sculptor na si Francesco Rocardo Monti.
Meron din dung murals ang National Artist na si Fernando Amorsolo.
Sikat na sikat noon ang MET kung saan isinasagawa ang musical plays, operas, at zarzuela base sa history nito. At dito rin nagtatanghal ang mga sikat na international artist at mga local.
Dito rin nagso-show noon si now Representative Vilma Santos.
Pero ito pala ay tinamaan nang magkaroon ng Battle of Manila noong 1945 pero nagamit pa rin iyon hanggang 1980 sa naaalala ko.
Binalak ito noong i-restore pero nagkaproblema hanggang napabayaan na nga.
Ginawang tirahan ng street kids at ihian. Kaya sa tuwing dadaan ka sa lugar, mapanghi na at mandidiri ka na.
Hanggang isang araw ay nabalitaan namin na nire-restore na ito at sinasabing sa 2020 ay mababalik na sa dating ganda nito.
Araw-araw namin nadadaanan ang lugar kaya nakakatuwa naman kung matatapos na ito.
Luis nakatanggap ng biggest blessings nung pasko
Ang saya-saya ng Pasko ni Luis Manzano. Nakatanggap siya ng biggest blessings.
Nakapiling nila ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola ang kanyang mommy Rep. Vilma Santos at and daddy niyang si Edu Manzano at ang mga kapatid niya rito.
“One of the best gifts i received this Christmas is being able to take a step back and be thankful to be part of these families. So many good things may come my way but these people are the biggest blessings i can ever receive! :) Merry Christmas from all our families!!”
Hinuhulaan na ang kasalan na ang sunod na mangyayari sa kanila ni Jessy.