Michelle Ortega ikakasal sa Baguio next year,ninong si digong
Huli kaming nagkita ni Michelle Ortega sa kasal ng kanyang kapatid na si Robert Ortega, Jr. kay Charry Reyes noong September 15, 2017.
Ipinakilala ni Michelle sa akin ang kanyang kasama, ang boyfriend niya na working din sa administration ni President Rodrigo Duterte.
Ibinalita sa akin ni Michelle na ikakasal na rin siya at boto sa mapapangasawa niya ang kanyang anak na si Ysabel Ortega.
Natuwa ako para kay Michelle pero siyempre, nakalimutan ko na ang pinag-usapan namin hanggang matanggap ko noong isang araw ang imbitasyon para sa kasal nila ng kanyang fiancé na magaganap sa susunod na buwan sa Baguio City.
Kapag kinukuha ka na ninang sa kasal, kung hindi close sa’yo parang feeling mo lang na naging ninang ka for the sake of art.
Pero kapag close talaga sa’yo ang tao, talagang feel na feel mo na kapamilya mo ang ikakasal.
Madalas nga, naiiyak pa ako sa wedding ceremony dahil nga may emotional attachment ka sa ikinasal.
Okey lang naman sa akin kung hindi ako kunin na ninang sa kasal dahil marami ang pagpipilian.
May feeling ako na kinukuha ako na ninang sa mga kasal dahil nanay talaga ang turing nila sa akin.
Matagal ko nang alaga ang mga Ortega, panahon pa ng Regal family sa Channel 13. Ang Regal family ang show namin noon sa Channel 13.
Child stars pa lamang noon sina Robert at Michelle na sinasamahan sa studio ng kanilang nanay at uncle. Hindi naman kami close na close dahil halos kapag oras ng show lang kami nagkikita.
Pero ‘yun na pala ang nagpatibay sa bonding namin. For the longest time, hindi kami nagkikita-kita nina Robert at Michelle dahil nagkaroon na sila ng ibang mga interes pero tuloy ang komunikasyon namin sa cellphone. Hindi rin sila nakakalimot sa akin tuwing may okasyon.
Pumasok si Robert sa pulitika at naging private citizen naman si Michelle.
Nang ikasal si Robert, nagsabi siya sa akin na gusto niya na isa ako sa mga ninang. Talagang touched na touched ako dahil closely knit ang Ortega family.
Nang magkita kami ni Michelle sa kasal ni Robert, sinabi niya na kapag ikinasal siya, ako rin ang kanyang gusto na maging ninang.
Kukunin din daw niya na principal sponsors sina President Rodrigo Duterte, Secretary Bong Go at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Bongga di ba? Pero hindi ko sineryoso ang pralala ni Michelle dahil sa rami ng celebrities, para bang bakit ako at magiging kumare ako ni Papa Digong?
Nang matanggap ko ang imbitasyon, shocked ako dahil totoo ang lahat ng sinabi ni Michelle. Kasali ako sa listahan ng mga wedding sponsor at who’s who ang mga kasama ko.
Tinamaan talaga ako sa mga Ortega, kina Robert at Michelle. Ngayon ko na-realize kung gaano nila ako kamahal, kung gaano kalaki ang respeto nila sa akin, kung paano nila ako itinuring na kapamilya.
Dasal ko sana maging karapat-dapat ako sa kanilang paggalang at pagmamahal. I love you Ortega clan for making me a part of your family.
Sisiguraduhin ko talaga na may selfie photo kami ni Papa Digong sa wedding day ni Michelle. Si Senator Grace Poe ang ibinoto ko na presidente sa eleksyon noong 2016 pero type na type ko ang ibang mga ginagawa ni Papa Digong para umunlad ang ating bansa at bumalik ang disiplina ng mga Pilipino.
Pia bidang-bida sa parada
Successful ang Parade of Stars na ginanap kahapon sa Muntinlupa City dahil kahit may kalayuan, dinumog ito ng fans na sabik na ma-sight nang personal ang kanilang favorite stars.
May mga kiyeme-kiyemeng naimbyerna dahil nag-create ng overacting na traffic situation sa Alabang ang parada ng mga artista pero sila ang numero uno na nakatunganga sa mga float at sa mga artista.
Star ng parada si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil gandang-ganda sa kanya ang mga tao na nagsabi na pang-Miss Universe talaga ang beauty niya. Nanalo na nga ‘di ba?
Siyempre, pinagkaguluhan ng fans ang mga float na sinakyan nina Coco Martin at Vic Sotto, ang mga bida ng Ang Panday at Meant To Beh.
- Latest