Kapansin-pansin ang pagpayat ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith. May ilang online bashers na rin sa social media ang nakapansin sa pagiging payat ng dalaga.
Ayon kay Jasmine ay sobrang dami niyang ginagawa ngayon kaya talagang nabawasan ang kanyang timbang. “Sanay na ako at that point na maraming nagre-react na pumayat ako. Normal na ‘yung mga ganung comments. But there was one na nagulat na lang ako. Shocks, ang dumi ng tingin nila sa akin, ang pangit-pangit ng tingin nila sa pagkapayat ko,” bungad ni Jasmine.
Sa kasalukuyan ay walang kasambahay at driver si Jasmine kaya ang dalaga raw halos ang gumagawa ng lahat. “Nabigla ‘yung katawan ko because wala na akong maid or driver. This is my first time to do all the chores, take care of two dogs, go to work, prepare for a wedding coming up, travel so many different times na hindi naman sanay ‘yung katawan ko,” kuwento ni Jasmine.
Aminado ang aktres na naapektuhan siya sa pag-akusa sa kanya bilang anorexic sa social media. “I’m a mental health advocate and I myself have gone through depression and anxiety, and for a while bumalik siya because I felt like that was all I heard,” pagtatapat ng dalaga.
Makisig artista na uli, hindi nakatagal sa hirap sa Australia
Nagbalik na sa Pilipinas si Makisig Morales pagkalipas ng tatlong taong paninirahan sa Australia. Matatandaang umalis sa bansa ang buong pamilya ng singer-actor noong 2014.
Aminado si Maki sig na talagang nahirapan ang buong pamilya nila lalo na noong unang mga buwan sa Australia. “Medyo malaking adjustment ang nangyari because ibang traditions, culture at especially alien kami ro’n sa country na ’yon. Tingin ko po ‘yung hindi nagpahirap sa pag-adjust namin is ‘yung sama-sama kaming buong family na nando’n at nagsuportahan po kami. Isa na rin po do’n ‘yung CFC (Couples For Christ) na nag-welcome sa amin,” pagdedetalye ni Makisig.
Matagal nang aktibo ang mga magulang ng aktor sa Couples for Christ.
Samantala, bukod sa kasintahan ay talagang na-miss daw ng binata ang mga pagkain dito sa Pilipinas. “Bukod po sa girlfriend ko, given na lagi ko siyang nami-miss. Miss ko ang food dito and Christmas. Iba po ang Pinoy sa food and Christmas, the best,” giit niya.
Kabilang si Makisig sa cast ng teleseryeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Hindi raw inakala ni Makisig na makababalik pa siya sa pag-arte sa telebisyon. “Nag-message po ‘yung production team ng show na ginagawa po namin. Iba po talaga si Lord. Masaya po ako na for a long time, binigyan ulit ako ng opportunity na makapag-entertain na naman ng mga tao,” nakangiting pahayag ni Makisig.