Giyera sa social media apo ni Pres. Digong inaway ang tatay na si VM Paolo, nambugbog daw ng bata!

Isabelle at Vice Mayor Paolo

MANILA, Philippines — Matapos maging controversial sa kanyang pre-debut pictorial sa Malacañang, heto at controversial na naman ang apo ni Pa­ngulong Digong Duterte na si Isabelle. This time sila ng ama niyang si Davao Vice Mayor Paolo Duterte. Ang away nilang mag-ama ang bumandera sa social media kahapon. Si Isabelle ay apo ni Pres. Digong kay Paolo sa kanyang first wife na si Lovelie Sumera. May ibang misis na ngayon ang vice mayor ng Davao, si January Navares.

Naging viral ang sagutan nila na nag-umpisa sa tweet ni Isabel na laging sinisira ng ama ang kanyang Pasko. “My dad fu*ks up my Christmas every year. What a time to be alive.”

Ang isa pang bintang ni Isabelle sa ama ay ang pambubugbog diumano nito.

Nagsagutan sila sa Twitter sa wikang Visaya. “Kahit may posisyon ka sa city, wala kang karapatan na pagbuhatan ng kamay ang isang tao!!!

“Kahit ikaw ay nasa kapangyarihan, wala kang karapatang manakit!!! Tao ang sinaktan mo!!! Hindi lang tao, bata pa!!! Kahit na marami ang nakakakilala sa ‘yo, hindi mo pwedeng gawin ‘yan!!! Hindi dahil isa kang Duterte, pwede na,” ang kanyang tweet na nakasulat sa Visayan.

Pero sinagot siya ng amang bise alkalde sa salitang Visaya rin na translated sa English ng ABS-CBN.com “Even if that person pimped you twice, I won’t keep quiet! And if your mom and stepdad don’t care about you, I’m not like them! Not because I’m a Duterte but because I am a father!!! Change your last name if you want to! You don’t know how to respect! You are a disgrace,” sabi ng ama na hindi na pinangalanan ang pinatatamaan.

At nang Tagalogin namin sa Google : “Kahit na ibugaw mo ang taong iyon ng dalawang beses, hindi ako mananahimik! At kung ang iyong ina at stepdad ay hindi nagmamalasakit sa iyo, hindi ko sila gusto! Hindi dahil ako ay isang Duterte ngunit dahil ako ay isang ama !!! Baguhin ang iyong huling pangalan kung gusto mo! Hindi mo alam kung paano igalang! Ikaw ay isang kahihiyan.”

Naka-private ang Twitter account ni Isabel kaya walang makapasok para mag-comment sa kanya.

Basta ang pinakahuling tweet ni Vice Mayor Paolo ay ‘wag kalimutang i-like ang kanyang post para manalo sa paramihan sa kanyang millennial daughter.

Parada tagumpay, dinagsa, inulan!

Bagama’t inulan ang traditional Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 na ginanap sa Muntinlupa City, dinagsa pa rin ito ng fans na ang iba’y may mga dala pang banner ng kanilang mga idolo.

At siyempre pagandahan ang float ang walong official entries na magbubukas sa mga sinehan simula bukas.

Malayong-malayo ito nung nakaraang taon na matamlay ang naging pagtanggap sa parade dahil iilan nga ang mga sikat.

First time na ginanap sa Muntinlupa ang parada kaya’t hindi nakasanayan ng fans.

Kaniwang sa Roxas Boulevard ito isinasagawa.

Tilian at siksikan ang sumalubong sa bawat float na pumarada kahapon.

Pero siyempre ang totoong resulta ng festival ay malalaman bukas, araw ng Kapaskuhan, kung sino ang pipilahan at kung sino ang unang matatanggal sa mga sinehan.

Show comments