Sikat na Korean Pop Singer nagpakamatay, hindi kinayang i-handle ang kasikatan

Kim Jong-hyun

Confirmed na nag-suicide ang sikat na Korean pop singer na si Kim Jong-hyun.

Depression/anxiety ang dahilan kaya nag-decide ang pamilya na ‘wag na itong ipa-autopsy.

“I’m broken from the inside. The depression that has slowly nibbled me away has now devoured me, and I couldn’t overcome it.

“Becoming famous was probably not my life. They tell me that’s why I’m having a hard time ... Why did I choose that? It’s funny that I’m able to endure this much,” bahagi ng kanyang suicide note.

“Tell me this is enough, that I did well. Even if you can’t smile, don’t send me off blaming me. You did well, you did good. Goodbye,” pamamaalam pa niya sa isang translated version na kumalat sa Internet.

Twenty-seven years old lang si Kim at nasa kainitan ng kanyang career.

Naalala sa pagpapakamatay ni Kim ang younger brother ni Nadine Lustre na kamakailan lang ay kinitil ang buhay.

Jose Mari Chan nananalasa tuwing pasko

Hindi talaga matibag ang Christmas in Our Hearts ni Jose Mari Chan sa pagiging paboritong Christmas song ng mga Pinoy.

Sa playlist ng Spotify na Paskong Pinoy pasok ang 44 songs at nasa no. 1 ang nasabing kanta ng legendary singer.

Sumunod ang Sana Ngayong Pasko (Lea Salonga), Santa Baby (Jessica Reynoso), Just Love Ngayong Christmas (Kapamilya Artists), I’ll Be Home for Christmas  (Sarah Geronimo), Merry Christmas Darling (Sitti), A Christmas Song for You (Jose Mari Chan) and Little Drummer Boy (Alisah Bonaobra) ang nasa top 10.

Vic at Dawn iba sa meant to beh...

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Meant to Beh na pinagbibidahan nina Vic Sotto and Dawn Zulueta.

True na iba ito sa nakagawiang MMFF movie ni Vic. Walang element of fantasy. Light drama at marami ngang matutuhan ang mga manonood ng pelikula.

Ibang Vic at Dawn ang makikita sa Meant to Beh na dinirek ni Chris Martinez.

Parang sa umpisa ay maninibago ka pero hindi mo mamalayan, nae-enjoy mo na pala ang panonood nito ng mahigit dalawang oras.

At agaw eksena si Baby Baste. Ang cute niya.

Aliw din ang special participation nina Alden Richards and Maine Mendoza at ng mga lola – sina Jose Manalo, Wally Bayola and Paolo Ballesteros.

Nauna nang sinabi ni Vic na hindi siya nakikipaglaban sa no. 1 slot. Ang habol niya lang ay mag-enjoy ang mga manonood.

Starring din sa movie sina JC Santos, Gabbi Garcia, Ruru Madrid and Sue Ramirez. At si Andrea Torres na likeable ang pagiging kontrabida.

Anyway, sinabi nga pala ni Vic na walang-wala talaga sa plano niya ang maging pulitiko kahit pa ang daming nag-o-offer sa kanya noon pa.

Maging ang pagdidirek ay wala sa hinagap niya.

Show comments