Diether Ocampo niregaluhan ng mercedes benz at condo ng bagong girlfriend!
Suwerte kahit tengga ang career
Uy suwerte naman ng inactive actor na si Diether Ocampo.
Oo nga at wala siyang career sa kasalukuyan, niregaluhan naman siya diumano ng girlfriend niya ngayong si Ms. Cathy Valencia ng isang condo at luxury car na Mercedes Benz ayon sa isang source.
Si Ms. Cathy Valencia ay owner ng beauty clinic na binase sa kanyang pangalan at mga may name na celebrity din ang endorser na pangunguna nina Erich Gonzales, Dennis Trillo and James Yap.
Base sa website ng clinic ng umano’y bagong girlfriend ni Diether, ito ay certified skin expert at may degree ng Atopic Dermatitis and Acne Management in Izumo Hospital in Japan.
So makikita na kaya natin sa mga billboard ng Cathy Valencia ang actor?
At least jackpot na si Diether. May bago na siyang ‘career.’
Sexy pa and her 40’s pa lang si Ms. Cathy kaya hindi nagkakalayo ang edad nila.
Bukas ang pahinang ito kung gusto nilang i-klaro ang kuwento ng source tungkol sa pagre-regalo ni Ms. Cathy ng isang condo unit at Mercedes na kotse sa dating Kapamilya actor na huling nagkaroon ng regular show sa TV5.
Nabalita noon na nasa Amerika ang actor, ‘yun pala ay nandito lang at lumihis lang ang career.
Birdshot and Angelina Jolie laglag sa Foreign Language ng Oscars
How sad, laglag sa shortlist ng mga nominado sa Foreign Language Film category ng 90th Academy of Motion Picture Arts and Sciences ang pinupuring Pinoy film na Birdshot. Mataas ang naging expectation ng lahat dahil nga nanalo na sa mga international film festival ang Birdshot na dinirek ni Mikhail Red at pinagbidahan nina Mary Joy Apostol, Arnold Reyes, John Arcilla and Ku Aquino. Pinili ang naturang pelikula ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa pag-asang mapapansin ito. Pero tulad sa mga nakaraang pelikula na pinadala natin para pagpilian sa Oscars sa nasabing kategorya, malungkot din ang naging kapalaran ng Birdshot.
Kung sabagay hindi lang naman ang Birdshot ang naging masaklap ang kapalaran.
Maging ang dinirek na movie ni Angelina Jolie na First They Killed My Father na pinupuri rin ng mga kritiko ay hindi napasama sa maiksing listahan ng Oscars.
Sa January pa malalaman ang final nominees.
Meanwhile, narito ang 9 na pelikulang napasama at kung saang bansa sila nanggaling :
Chile, A Fantastic Woman
Germany, In the Fade
Hungary, On Body and Soul
Israel, Foxtrot
Lebanon, The Insult
Russia, Loveless
Senegal, Félicité
South Africa, The Wound
Sweden, The Square
Nadine pumasang direktor ni James
Super trending kahapon ang bagong music video ni James Reid na si Nadine Lustre ang nagdirek.
The L1fe ang title ng kanta na ginamit ang ibang travel videos nila.
Very personal ang kanta at marami agad nagkagusto dahil sa concept nito.
Very artistic din ang pagkakagawa at aakalain mong hindi first timer si Nadine sa pagdi-direk though hindi niya solo ang pagdidirek.
Naisingit nila ang nasabing music video sa kabila ng paghahanda nila sa kanilang Revolution concert sa February 9 sa Araneta Coliseum, pelikula with Direk Antoinette Jadaone and a teleserye.
Si James ay sinimulan pa ang shooting ng 20 Again (Miss Granny) with Sarah Geronimo na showing sa January.
- Latest