Pinagbilhan ng singsing ni John Lloyd, wanted sa mga mahilig sa tsismis!

Sorry sa mga nagtatanong pero hindi ko puwedeng sabihin ang name ng source ko tungkol sa expensive engagement ring na ibinigay ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna.

Tama na ‘yung alam nating lahat na lucky girl si Ellen at very reliable ang source ko na walang intensyon na itsismis ang ibang mga tao. In passing lang ang pagkakabanggit niya tungkol sa presyo ng engagement ring na natandaan ko agad dahil mahilig ako sa mga alahas.

Joey suki ng mga simbahan kahit nasa abroad

Muntik nang magalit sa akin si Papa Joey de Leon dahil sa kakulitan ko.

Tinawagan ko si Papa Joey sa cellphone niya noong gabi ng December 8 para iparating ang good news na may isang tao na gusto na regaluhan siya ng sosyal at expensive na telepono.

Dahil makulit ako, hindi ako nagpaawat sa pag-dial sa number ni Papa Joey. More than twenty times yata na nag-ring ang kanyang cellphone bago niya sinagot.

Nahiya ako sa sarili ko sa pabulong na dialogue ni Papa Joey na “Bakit ba ang kulit mo? Nasa misa ako dahil Immaculate Conception, bakit ba?”

Hiyang-hiya ako sa pabulong na pagsasalita ni Papa Joey dahil nasa loob nga siya ng simbahan. Imagine, dumalo siya sa misa samantalang ako, dumaan lang sa harap ng simbahan para magdasal dahil Feast of Immaculate Conception nga.

Noon ko pa sinasabi na one of the most religious si Papa Joey sa mga tao na nakilala ko.

Basta araw ng Linggo, nagsisimba siya. Kapag nagpupunta siya sa iba’tibang mga bansa, ang mga simbahan ang unang hinahanap niya para magsimba kaya naman masuwerte si Papa Joey. Magaan ang dating sa kanya ng mga grasya at may misis siya na very supportive at kasama niya sa kanyang mga journey.

Nag-sorry ako kay Papa Joey dahil sa kagagahan ko. Excited lang naman ako na sabihin na may magbibigay sa kanya ng cellphone kaya kinulit-kulit ko siya. Hindi ko naman alam na nagsisimba pala siya ng oras na ‘yon.

ibang pulitiko aligaga rin  sa mga pa-party

Ang daming mga politician na nag-aalok sa akin ng Christmas party for the entertainment press pero tinatanggihan ko sila.

Ang sabi ko, next year na lang sila mag-imbita dahil busy ang entertainment writers na kaliwa’t kanan ang mga movie presscon at Christmas parties na pinupuntahan.

Ang mga reporter na nga ang nagsasabi na halos araw-araw, naglalagare sila sa mga showbiz event pero never na nagrereklamo ang entertainment press dahil ini-enjoy nila ang kanilang mga ginagawa.

Naintindihan naman ng mga nag-iimbita na politician ang paliwanag ko kaya imbes na Christmas party, New Year’s party na lang ang inihahanda nila at mangyayari ito sa unang buwan ng 2018.

MMFF entries lagare sa preview at presscon

Starting tomorrow, sunud-sunod pa rin ang appointments ng entertainment press dahil sa mga special screening at presscons para sa mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2017.

For this week, puno na rin ang schedule ko dahil ninang ako sa kasal nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan sa December 12 at invited ako sa presscon ng ibang mga pelikula na kalahok sa MMFF.

Pero pinipili ko ang mga pupuntahan na presscon dahil ayokong-ayoko na ma-stress sa matindi na traffic situation sa EDSA. Ang mga imbitasyon sa presscon sa Quezon City area lamang ang pinagbibigyan ko.

 

Show comments