Maine humamig ng matinding tili at palakpak! Tom certified padding king!

Fans no reaction sa pagrampa nina Maxine, Kim Domingo, at iba pa...

SEEN: Ang “Padding King” label kay Tom Rodriguez dahil sa magkaiba na bulge ng pribadong bahagi ng katawan niya sa fashion show ng Bench noong 2014 at noong Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena.

SCENE: Magkaiba rin ang bulge ni Addy Raj nang rumampa siya at sa curtain call ng mga celebrity na kasali sa Under The Stars, ang 30th anniversary show ng Bench.

SEEN: Hindi kasali si Liza Soberano sa Bench fashion show pero nanood siya bilang suporta kay Enrique Gil.

SCENE: Tulala at walang reaksyon ang Mall of Asia Arena crowd sa pagrampa nina Enzo Pineda, Albie Casiño, Derrick Monasterio, Maxine Medina, Kim Domingo, Bianca King, at ibang Kapuso stars.

SEEN: Nasayang ang mga billboard ni Ellen Adarna dahil hindi nito sinipot ang fashion show ng Bench. Hindi pa nagsasalita si Ellen tungkol sa balita na kumpirmado na buntis siya sa panganay nila ni John Lloyd Cruz na matagal nang nababalita na buntis.

SCENE: Matamlay ang pagtanggap ng audience kina Markki Stroem at Ahron Villena. Ang walang kamatayan na pagdududa sa mga pagkalalaki nila ang common denominator nina Markki at Ahron.

SEEN: Hindi minana ni Michelle Dy ang talent sa catwalk ng kanyang ina, ang 1979 Miss International na si Melanie Marquez. Plano ni Michelle na sumali sa Bb. Pilipinas sa susunod na taon.

SCENE: Nagreyna-reynahan sa Bench fashion show si Maine Mendoza dahil siya ang tumanggap ng pinakamalakas na tilian at palakpak mula sa mga nanood.

SEEN: Tuwang-tuwa ang boyfriend ni Lovi Poe habang pinapanood ang pagrampa ng kanyang girlfriend. No reaction ang boyfriend ni Lovi nang magpakita ng puwet si Rocco Nacino, ang ex-boyfriend ng girlfriend niya.

Show comments