Si Rachel Peters na lang ang natitirang pag-asa na mag-uuwi ng korona mula sa Miss Universe. Kitang-kita naman na handa na siya sa laban pero ang kailangan niya ay luck. Susuwertehin kaya siya o matutulad siya kina Mariel de Leon (Miss International) and Laura Lehmann (Miss World) na kinapos sa suwerte at hindi man lang napasama kahit sa Top 15?
Laura at Megan
Kaya lang napintasan agad si Rachel sa kanyang national costume. Parang showgirl lang daw kasi siya sa Las Vegas sa hitsura nito sa kulay gold na parang may pakpak.
Bakit nga kaya ‘yun ang ginamit niya?
Anyway, ang suwerte lang ni Ms. Lehmann na hindi man siya nakasama kahit sa Top 15 ay hindi naman siya natulad kay Mariel na talagang niratrat ng bashing nang maging luhaan sa Miss International.
Ang isang malungkot sa kapalaran ni Laura ay ang former Miss World na nagsilbing host din, si Megan Young.
Well, baka hindi ito ang panahon ng bansa natin sa international beauty pageants.
Kambal nina Aga hindi pinayagang mag-artista
Gusto sanang mag-artista ng kambal na anak nina Aga and Charlene Muhlach na sina Andres and Atasha na 16 years old na pala, na parehong Grade 11 na. Pero siyempre ayaw daw nina Aga at Charlene na payagan. Ang gusto ng mag-asawa ay makatapos muna ng pag-aaral ang kambal bago mag-showbiz ang mga ito. Eh almost 6 feet na pala si Andres sa edad na 16 kaya hindi lang sa showbiz puwede ito, puwedeng-puwede ring basketball star. Magaling din daw kasi itong maglaro ng basketball.
Andres at Atasha
Joross at EA
EA at Joross iba ang ipinakitang ganda at landi sa deadma walking
Ang saya ng trailer ng pelikulang Deadma Walking, isa sa eight official entries sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017. Bida sina Edgar Allan Guzman and Joross Gamboa from Palanca-winning screenplay ni Eric Cabahug at idinirek ni Julius Alfonso. Meron na rin itong libro.
Isa itong comedy-drama-musical tungkol sa mag-bestfriends na bading na nagkaroon ng fake wake, death, and funeral.
Although ikinukumpara ang pelikula sa box-office movie ni Paolo Ballesteros na Die Beautiful na no. 1 sa nakaraang film festival, sinabi nina Jorross at Edgar Allan malayung-malayo ito.
Nagsimula ang idea ng Deadma Walking nung 2014. Pero 2015 ito natapos ni Eric at 2016 nang manalo ng Palanca Awards for Literature.
“Isang maagang pa-birthday sa akin ito ni Lord,” said EA who is marking his birthday on November 20. “At blessing din kina Joross, Dimples (Romana, co-star), Sir Rex (Tiri, the movie’s executive producer), and Sir Eric (Cabahug, the movie’s writer and one of two producers) na November birthday celebrants din… Simula nang natapos kaming mag-shooting, araw-araw pinagdarasal ko na makapasok ang Deadma Walking sa MMFF. Eto nga, natupad na,” sabi ni EA na ang gandang bading sa pelikula.
“Sobrang thankful kami na napili kami… Bonus ang makasali sa MMFF,” sabi naman ni Joross who immediately had high hopes about the movie ever since he and EA watched its final cut. “We already had a good feeling about it pagkatapos namin panoorin. Excited kaming i-promote. Sana suportahan ng mga manonood,” dagdag ng actor na iba rin ang landi at ganda bilang bading sa pelikula.
Deadma Walking also stars Candy Pangilinan and Vin Abrenica, with the special participation by Gerald Anderson and Ms. Eugene Domingo, plus a host of celebrities in cameo roles including Piolo Pascual and Iza Calzado.