^

PSN Showbiz

Trip Ubusan magpapaiyak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Umabot sa labintatlong araw ang shooting ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, ang pelikula ng tatlong lola ng Kalyeserye ng Eat Bulaga, sina Lola Nidora, Lola Tidora, at Lola Tinidora.

Baka mas maaga na natapos ang shooting ng pelikula kung hindi nag-adjust ang APT Entertainment, Inc. sa mga hectic schedule nina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo.

May dalawang daily show ang tatlo at tatlong pelikula ang nilagare ni Paolo kaya hindi rin ito makapaniwala na sabay-sabay na natapos ang shooting ng kanyang mga movie project.

Ang APT Entertainment din ang produ ng The Lolas’ Beautiful Show kaya naayos nang mabuti ang schedule nina Paolo, Jose, at Wally.

Ang sabi ng staff ng Trip Ubusan, kakaiba ang kuwento ng pelikula nila as in hindi ito basta comedy o horror. Maaantig daw ang damdamin ng manonood dahil sa mga dramatic scene ng mga bida.

Inspired ng Korean movie na Train to Busan ang plot ng Trip Ubusan. Nang ipalabas ang Train to Busan, pinilahan ito ng mga Pinoy at matagal na ipinalabas sa mga sinehan.

Cry me a river ang mga nanood ng Train to Busan dahil ang akala nila, horror movie ang pelikula, only to find out na nakakaiyak ang mga eksena.

Introducing sa Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies ang child actress na si Caprice Cayetano. Charmaine ang name ng karakter ni Caprice sa first movie niya at mahaba ang kanyang exposure dahil isa siya sa mga bida.

Contract star si Caprice ng GMA Artist Center. Bukod sa Trip Ubusan, mapapanood ang bagets sa Santa Santita bilang young Bianca Umali at siya rin ang gumaganap na anak ni Yasmien Kurdi sa bagong afternoon drama series nito sa GMA 7.

Bagon ng MRT nakalas, mga pasahero natulala!

Kalurky naman ang report tungkol sa bagon na humiwalay sa tren ng MRT kaya naiwan na nakatulala at takot na takot ang mga pasahero.

Nangyari kahapon ang insidente sa pagitan ng Ayala at Buendia station na nakunan ng litrato at video ng mga naloka na pasahero. Isipin n’yo na lang ang pakiramdam nila habang pinapanood na umaandar ang unang bahagi ng tren at naiwan sila na pinagmamasdan ang only in the Philippines na eksena.

Nakakaalarma ang nangyari dahil dati-rati, nasisira lamang ang mga tren. Ngayon, humihiwalay na ang bagon at salamat sa Diyos, walang nasaktan. Paano na lang kung nadisgrasya ang mga pasahero na inosente na hindi pinangarap na maging Trip Ubusan ang kanilang pagsakay sa MRT?

Natitirang apat na pelikula sa MMFF, napisil na

Ngayong hapon ang announcement ng MMDA at Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee tungkol sa official entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Mag-expect tayo na tulad ng mga nagdaan na taon, magiging kontrober­syal at may mga mang-iintriga sa mga pinili ng screening committee.

Siyempre, hindi matatanggap ng mga natsugi na hindi nakapasok ang kanilang mga entry dahil nakakundisyon na ang isip nila na maganda at pang-Metro Manila Film Festival ang mga pelikula na hindi nakapasa sa panlasa ng screening committee.

Pero ang mga ganyang isyu ang lalong nagpapaingay at nagbibigay ng kulay sa annual MMFF na every year, hindi nawawalan ng mga kontrobersya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with